Andre at Kobe Paras, walang hidwaan, ayon sa ama nilang si Benjie

by PEP Troika
Jul 7, 2018

GORGY RULA: Nilinaw ni Benjie Paras sa PEP Troika na walang problema at okay ang mga anak niyang sina Andre at Kobe Paras.

May ilang nang-iintriga kasing tila may hidwaan ang dalawa, lalo na’t napabalitang nag-unfollow sila sa kani-kanilang Instagram account.

Text sa akin ni Benjie tungkol sa "unfollow issue" sa kanilang social media account: “Meron silang private account Gorgz.”


Continue reading below ↓

May ilan ding nagtatanong kay Andre nung nag-promote ito ng The Clash, pero safe lang sagot ng binata.

Ayaw na lang kasi nilang gawing isyu pa ang tungkol sa kanilang magkakapatid dahil wala naman daw talagang problema kahit pa kung anu-anong isyu ang naglalabasan.

Sabi na lang ni Andre, "Focus na lang po tayo sa The Clash," dahil wala naman talaga silang clash ni Kobe.

Si Andre ang "Clashmate" kasama si Joyce Pring na magbibigay ng intense na eksena sa likod ng Clash arena.

Mapapanood na ito sa GMA-7 mamayang gabi, July 7, pagkatapos ng Pepito Manaloto, at bukas naman pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.

JERRY OLEA: Ang importante, maayos na ang relasyon ng magkapatid na Andre at Kobe sa kanilang tunay na ina.

Kung may tampuhan man ang magkapatid, maaayos iyon ni Jackie Forster.

Hindi lalasunin ni Jackie ang isip ng kanyang mga anak.

Sisingaw at sisingaw ang totoo, ano man ang pagtatakip mo.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Mabuti naman yang balitang iyan. Kasi may lumabas ngayon na close daw si Kobe kahit sa bagong partner ng nanay niyang si Jackie na parang insinuating a comparison with that of Benjie. Enough of that!

The good thing is—parang tunay na modern extended and blended family—may peaceful co-existence silang lahat. Sana.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results