Atty. Ferdie Topacio, "unli" ang suporta kay Claudine Barretto

by PEP Troika
Jan 2, 2021
Claudine Barretto gets "unli" support from Atty. Ferdinand Topacio.
Hindi lang bilang movie producer ni Claudine Barretto (kaliwa) ang magiging papel ni Atty. Ferdinand Topacio (kanan) sa aktres, kundi pro bono attorney pa nito.
PHOTO/S: (Claudine) Instagram | (Atty. Topacio) File

GORGY RULA

Muli kong tinanong si Attorney Ferdie Topacio tungkol sa isyung naputulan daw ng kuryente ang bahay ni Claudine Barretto.

Itinanggi ito ng aktres nang tinanong siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at meron siyang paliwanag diyan.

Kaya tinanong ko ngayong Enero 2, Sabado si Atty. Topacio kung ano ba ang totoo sa isyu ng kuryente sa bahay ni Claudine.

Sabi sa amin ni Atty. Topacio, mas mabuting iwan na lang ang isyung yan sa 2020. At mas marami pa raw dapat na pag-usapan tungkol sa kaibigan niya.

“Ang news ngayon with respect to Claudine, meron na siyang practically approved in principle na comeback movie, to be produced by Borracho Films siyempre,” pakli ni Atty. Topacio.

Nabanggit na ito ni Atty. Topacio nang nakapanayam namin siya sa DZRH noong nakaraang linggo.

May inihahanda na raw silang magandang project para kay Claudine. Nagkasundo na raw sila ngayon at gustong gawin daw ito ng aktres.

Continue reading below ↓

Ang tentative title daw ng pelikulang gagawin ni Claudine sa Borracho Films ay Nang Lumuha ang Langit, na sinulat daw ni Eric Ramos ang script, at pinag-iisipan pa raw kung si Lawrence Fajardo rin ang magdidirek.

Si Direk Law ang direktor ng unang project ng Borracho na Mamasapano: Now It Can Be Told.

Tuluy-tuloy na raw ang pagpu-produce ng film outfit ni Atty. Topacio, at gusto rin daw niyang tulungan si Claudine na makabalik na sa pag-arte at trabaho.

JERRY OLEA

Nakahiligan ni Atty. Topacio ang pagre-review ng local films, kaya interesado tayong mapanood ang mga pelikulang ipo-produce niya.

Inaasam natin na maibalik ni Atty. Topacio ang ningning ng pagkabituin ni Claudine.

Tuloy pa rin ang pagtulong ni Atty. Topacio kay Claudine kung saan pro bono raw itong pag-represent niya sa kasong isinampa ni Claudine laban kay Raymart Santiago.

Pero ayon pa kay Atty. Topacio, sinisikap daw ng Prosecution na magkaayos na lang sila, dahil suporta lang daw sa mga anak nila ang gusto nila.

Continue reading below ↓

“Wala namang problema sa amin. Hindi naman hanap namin away,” pagdidiin ni Atty. Topacio.

“Ang hanap namin, sustento. Kaya lang, dapat na ma-realize ni Ginoong Santiago. Saan ba niya gagastusin ang pera niya, sa mga anak niya o para umupa ng abugado para depensahan siya?

“Kasi, ang gagawin namin, every month, e magde-demand kami ng suporta niya.

“Every month na hindi niya tutugunan ang hiling namin na suporta, another count of economic abuse.

“Actually, tumutulong yung prosecutor na pagkasunduin yung parties. Ang problema, ang dami namang sinasabi ni Raymart na kesyo yung relo daw niya, naiwanan doon, worth ganito, ganyan daw.

“Hindi naman iyon ang pinag-uusapan, yung relo. Hindi naman makakain yung relo kung nasaan man iyon.

“Ang kailangan dito, cash para sa pangangailangan ng mga bata.”

Ang mensahe ni Atty. Topacio para kay Raymart, “Sa ilalim ng batas, ang suporta, hindi lang pagkain. Nakalagay naman iyan sa batas, na iyon ay hindi humihingi ng lagpas sa binibigay ng batas—food, clothing, shelter, medical attention, at saka education.

Continue reading below ↓

“Kahit mataas o mababa, nasa kakayahan iyan. E, si Mr. Santiago naman, nagpu-post siya na may bago siyang BMW na motorsiklo, may activity siyang ganito-ganun, may girlfriend siya.

“Huwag niyang sabihing hindi niya ginagastusan iyon. Unless aminin niyang siya ang ginagastusan ni Jodi [Sta. Maria], ano?”

NOEL FERRER

Unli pala ang suporta ni Atty. Ferdie Topacio kay Claudine!

Sana, all!

Muli, may mga hearing nang nakatakda para dinggin ito, pero parang si Claudine yata ang hindi naka-attend noong December.

Sana, hindi na media ang gamitin para sa isyung ito. May tamang proseso, iyun na lang ang sundin.

At sana, hindi na idinadawit ang mga tao (tulad ni Jodi) na walang kinalaman sa issue.

Sa huli’t huli, naayos ba ang issue sa ganito o nadadagdagan lang ng kahihiyan lalo na sa mga bata?

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi lang bilang movie producer ni Claudine Barretto (kaliwa) ang magiging papel ni Atty. Ferdinand Topacio (kanan) sa aktres, kundi pro bono attorney pa nito.
PHOTO/S: (Claudine) Instagram | (Atty. Topacio) File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results