PBB evictee Russu, nag-sorry dahil sa lumang tweet laban sa ABS-CBN; Toni Gonzaga, na-bash dahil sa pagtatanggol kay Russu

by PEP Troika
Jan 4, 2021
russu laurente evicted
Si Russu Laurente ng General Santos City ang second evictee sa PBB Connect. Hinihinalang malaki ang kinalaman ng kanyang lumang tweet na #YesToABSCBNShutdown kaya napatalsik si Russu sa Bahay Ni Kuya.
PHOTO/S: Screen grab from Twitter

GORGY RULA

Napatutok ako sa Channel A2Z dahil sa 2nd Eviction Night ng PBB Connect noong Linggo ng gabi, January 3.

Na-curious kasi ako dito kay Russu Laurente, ang tinaguriang "Bunsong Boksingero ng General Santos City."

Siya ang second evictee sa reality show ng Kapamilya Channel.

Maingay ang paglabas ni Russu sa Bahay ni Kuya dahil sa nakalkal na Twitter post niya noon na #YestoABSCBNShutdown.

Naging isyu ito sa loob ng Bahay ni Kuya at ipinaliwanag ito ng bagets. Tinanggap naman ni Kuya ang paghingi niya ng sorry.

Nang napasama siya sa nominees na lalabas sa bahay, nag-ingay ang supporters ng ABS-CBN at kinuyog si Russu ng kung anu-anong di magagandang komento.

May ilang maka-DDS ang nag-react, pero wala silang nagawa para i-save si Russu sa eviction.

Bago lumabas si Russu ng bahay, sinabi nitong napaghandaan na niya ito at alam niyang siya ang magpapaalam nung gabing iyon.

Pati ang kapatid ni Russu ay humingi ng sorry sa host na si Robi Domingo. Sabi naman ni Robi, hindi kaaway si Russu. Biktima lamang daw ito ng kakaibang sistema o "broken system."

Continue reading below ↓

Pagkatapos ng 2nd Eviction Night, nag-post ng mahabang tweet ang isa pang PBB host na si Toni Gonzaga.

Aniya, “Back to work this 2021. For our 2nd eviction night housemate Russu was evicted because of a mistake he did that eventually made him realize the damage it has done.

“People are very quick to judge him, call him names and crucify him on social media because of it without realizing that at 19 years old, he doesn’t know the gravity of the words spoken.

“He has learned his lesson and this will help him grow and mature in life. And now that he knows better, he will do better.

“May this also serve as a reminder for us to not define and label a person by the mistakes they’ve committed but from how they rise up, rebuild and become a better person they are really supposed to be.

“I hugged the boy after the show he kept apologizing.

Continue reading below ↓

“Forgiveness is a gift everyone deserves. #sundayrealization2021.”

NOEL FERRER

Ang sitwasyon ni Russu ay pareho sa ilan nating mga kababayan. Marahil, biktima sila ng sitwasyon.

Pero isa itong pagpapaalala sa atin na dapat ay lampasan natin ang victim mentality, yung pag-stereotype na porke’t taga-Mindanao ay panatiko na ng isang leader.

Kung anuman ang sinasapit natin bilang bansa ngayon at kahit sa hinaharap ay epekto ng ating mga aksyon (o ang kawalan nito).

Para sa akin, Russu deserves to be evicted... but he also has to be understood.

At mula doon, sana maakay natin siya sa higit na kaliwanagang hinahanap natin ngayon.

Tapos na ang Holidays, pero nasa pandemya pa rin tayo. Ang pinag-uusapan ngayon ay kung bakit may mga nasa pwesto na pwedeng magpabakuna nang labag sa nakatakdang rules, at mula sa kuwestiyonableng proseso.

Pinag-uusapan din ang mga nag-top sa surveys bilang posibleng mga susunod na lider natin.

Tuloy ang buhay, kahit hindi pa tayo naaambunan ng vaccine. Patuloy nating panagutin ang mga taong dapat nangangalaga sa atin.

Continue reading below ↓

At tayo mismo, ano ang ginagawa natin para mabago ang ating sitwasyon?

Hayyyy, sana happy 2021 nga talaga!

JERRY OLEA

Sandamukal ang nagpasaring kay Toni dahil sa pagtatanggol niya kay Russu. Sinasabi kasing “enabler” at supporter ni Pangulong Duterte si Toni.

Ang pag-amot ba ni Toni ng pang-unawa para kay Russu ay para rin sa kanyang sarili?

Bilang Sharonian, naalala ko tuloy ang pelikulang Forgive and Forget (1982).

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Russu Laurente ng General Santos City ang second evictee sa PBB Connect. Hinihinalang malaki ang kinalaman ng kanyang lumang tweet na #YesToABSCBNShutdown kaya napatalsik si Russu sa Bahay Ni Kuya.
PHOTO/S: Screen grab from Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results