Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Itinerary ng last rites para kay Senator Ramon Revilla Sr.

by PEP Troika
Jul 1, 2020
Dadalhin ang mga labi ni dating Senador Ramon Revilla Sr. sa Senado ngayong hapon, July 1, para sa necrological service. Bukas, July 2, ay ihahatid na siya sa kanyang huling hantungan sa Bacoor, Cavite.
PHOTO/S: PEP File / Facebook Live

GORGY RULA

Ngayong Hulyo 1, Miyerkules, mula 11 A.M. hanggang 1 P.M., ang necrological service para kay dating Senador Ramon Revilla Sr. sa Session Hall ng Senado.

Sa Facebook Live ng anak niyang si Senator Bong Revilla Jr. nitong Hunyo 30, Martes, sinabi niyang sampu lang sa kanilang pamilya ang makakalahok dito dahil sa social distancing.


Continue reading below ↓

Tinatayang 1:30 A.M. ay ihahatid ang remains ni Don Ramon sa Bacoor, Cavite, kung saan magkakaroon ng motorcade patungong Imus Cathedral.

5:30 P.M. naka-schedule ang misa sa Imus Cathedral, na susundan ng 6:30 P.M. recessional.

7:30 P.M. mag-uumpisa ang Luksang Parangal para sa Hari ng Agimat. May Facebook Live ito sa FB page ni Senador Bong.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Bukas, Hulyo 2, Huwebes ng 6 A.M., ay may regular mass sa Imus Cathedral.

12:00 noon, isasara ang mga pintuan ng Cathedral para sa 2 P.M. requiem mass para kay Don Ramon.

Tinatayang 2:30 P.M. ay dadalhin na ang mga labi ni Don Ramon sa Angelus Eternal Garden sa Bacoor, kung saan magkakaroon ng military honors and blessing bago tuluyan siyang ihimlay.

NOEL FERRER

Mabuti na lang at naaayos ng pamilya Revilla ang proper protocols sa last rites para sa yumaong aktor-senador.

Nakikiisa tayo sa pagdadalamhati sa kanyang pagpanaw.

Sana, katulad ng iba pang icons ng ating industriya ay mabigyan din siya ng kaukulang industry tribute kahit na online, tulad ng nagiging kagawian na ngayong nasa quarantine pa rin tayo.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

9:30 A.M. ang ETD (estimated time of departure) ng hearse ni former Senator Ramon Revilla Sr. mula sa Revilla Compound, Bacoor, Cavite, patungong Senado.

Nag-Facebook Live si Senator Bong Revilla ng 9:46 A.M., naghahanda pa lang sila para umalis doon.

Ipinasa ni Senator Bong ang cellphone kay Portia Ilagan (dating showbiz journalist na kapamilya na ng mga Revilla) at ito ang nag-annotate.

“Sa mga oras na ito po, naghahanda na ilipat ang bangkay ni dating Senador Ramon Revilla Sr. sa Senado, kung saan magkakaroon po ng necrological service for him na ibinigay ng Senate, from 11:00 to 1:00 PM today.

“Ngayon po, mamayang 1:30 ng hapon, ay magkakaroon po ng water cannon honors para sa kanya, from the Pasay City government. 1:30 po diyan sa Macapagal Avenue, sa may Titania Medical University...”

Tutuloy pa-Bacoor ang remains ni Don Ramon, magmo-motorcade patungo sa Imus Cathedral.

Dagdag ni Portia, “Ang rota po ng motorcade ay mula Longos papuntang Evangelista, lalabas po ng Mabolo, Salinas, Real, Imus Cuartel.

Continue reading below ↓

“Tapos, idadaan po sa dating bahay nila, sa may Bautista Ice Plant.

"At kung kayo po ay gustong makita ang open hearse ni dating senador, please... to pay your respects, sa daan po na sinabi ko, don’t forget your mask, at social distancing po...”

Isinara na kapagkuwan ang ataul ni Don Ramon. 9:55 A.M., binalot iyon ng watawat ng Pilipinas.

9:57 A.M., nagsalita si Senator Bong, “Ahhh, in a while po ay dadalhin na natin siya ngayon sa Senado.

"Ang sakit pala pag isinara na yung kabaong. Masakit ang pakiramdam.”

9:59 A.M., binuhat ng walong lalaking naka-uniporme at naka-facial mask ang kabaung palabas ng mansion, habang pinatutugtog ang pag-awit ni Martin Nievera ng "Kahit Isang Saglit."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dadalhin ang mga labi ni dating Senador Ramon Revilla Sr. sa Senado ngayong hapon, July 1, para sa necrological service. Bukas, July 2, ay ihahatid na siya sa kanyang huling hantungan sa Bacoor, Cavite.
PHOTO/S: PEP File / Facebook Live
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results