Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Vico Sotto, Isko Moreno isang taon nang naglilingkod sa mga Pasigueño, Manileño

by PEP Troika
5 days ago
ON THEIR FIRST YEAR AS ELECTED MAYORS: Dagdag pogi points ang pangako nina Pasig City Mayor Vico Sotto (kaliwa) at Manila City Mayor Isko Moreno (kanan) na tapat at mainam na paglilingkod sa bayan.
PHOTO/S: @vicosotto Instagram / Varsitarian

JERRY OLEA

Maraming nalungkot, pero meron ding mga nagbunyi sa pagkawala ng Kapamilya channels sa ABS-CBN TV-Plus at SKYdirect nitong Hunyo 30, Martes ng gabi.

Pero ano man ang political affiliation, dilawan man o DDS, sa pakiwari ko'y mai-inspire sa Facebook post ni Pasig City Mayor Vico Sotto nitong 9:53 p.m. ng Martes.

Binalikan ni Mayor Vico ang kanyang mga pangako noong unang araw niya bilang lider ng Pasig City, exactly one year ago.

Ipinost niya ang link niyon sa YouTube.

Ani Mayor Vico: "Isang taon na ang ating bagong administrasyon sa Pasig... isang taon ng pakikipaglaban para sa mabubuting reporma sa ating lokal na pamahalaan...

"Maraming pagsubok kada araw, ngunit wag nating kalimutan ang pinanggalingan natin:

"Labang hindi para sa posisyon, kundi para wakasan ang kultura ng pananakot at pagkatakot... laban para sa isang tapat at makabagong lokal na pamahalaan..."

Dagdag ni Mayor Vico, "May mga planong naantala nang dahil sa Covid-19, ngunit tayo'y nasa tamang direksyon."

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa Araw ng Pasig sa Hulyo 2, Huwebes, magbibigay si Mayor Vico ng State of the City Address (SOCA) o ulat ukol sa progreso ng kanyang unang taon ng panunungkulan bilang mayor ng Pasig City.

NOEL FERRER

Mahirap matulog kung may bagahe ka sa pagtulog.

At heto, hinihintay natin ulit ang Report Sa Bayan ng Ating Ama Ng Pilipinas.

Continue reading below ↓

Pero heto ang aking reflection ngayon—isang mensahe tungkol sa pagkakawatak-watak ng taumbayan ngayon.

Sabi sa isang artcard (published as is): "There is so much hate.

"There is so much fear.

"There is so much loneliness.

"There is so much meanness.

"There is so much uncertainty.

"And as a people, why we are so divided?

"ITO BA ANG GUSTO NATIN BILANG PILIPINO?

"KAILAN TAYO MAMUMULAT?"


Continue reading below ↓

Four years ago today, we installed new national leaders. And then last year, we elected new senators, representatives, and local leaders.

May krisis po tayong hinaharap ngayon. Hindi ba dapat nagkakaisa at nagtutulungan tayo laban sa virus, hindi ganitong napapalawak pa ang ating pagkakahati-hati?

Pansinin niyo, parang dumami pa ang bashers ngayon. Ito na ba ang ating new normal?

"Mga kapwa Pilipino, we deserve better!!! Can we work towards a BETTER NORMAL?

God Bless our country, really!

JERRY OLEA

Sa kabilang banda, nagpasalamat naman si Manila City Mayor Isko Moreno sa suporta ng mga Manileño sa kanyang pamamahala sa lungsod sa nakalipas na isang taon.

Tulad ni Vico, isa si Isko sa mga Metro Manila mayors na umani ng papuri dahil sa magandang pamamalakad sa nasasakupang lugar, lalo na nitong pandemya.

Heto ang Facebook post ni Isko, Martes ng gabi, June 30:

"Maraming salamat po mga kababayan kong Manileño para sa pagkakataon na paglingkuran kayo bilang inyong Alkalde ng lungsod na ating minamahal.

Continue reading below ↓

"Umasa po kayo na sa maliit kong kaparaanan na sisikapin ko po na maglingkod ng tapat, maayos at mainam.

"Marami po tayong kailangan ayusin sa ating lungsod, kaya buong kababaang loob po akong nakikiusap na tulungan niyo po ako sapagkat malaki po ang hamon ng panahon ngayon."

Nangako si Isko na pag-iibayuhin niya ang mga magandang pagbabago sa Maynila.

"Hindi ko po ito kakayanin nang mag-isa lamang. Kakailanganin ko po ang kooperasyon ng lahat.

"Sama-sama po natin hangarin, pangarapin at gawin na muling kaigaigaya, maaliwalas, malinis, payapa at maunlad ang Maynila para po sa ating mga anak, mga salinlahi, at sa susunod na henerasyon ng Batang Maynila.

"Muli, taos-puso po akong nagpapasalamat sa bawat sa sa inyo.

Paalala pa ni Isko, "Walang magmamalasakit sa ating mga Batang Maynila kundi tayo ring mga kapwa Batang Maynila.

"Pagpalain nawa tayo ng Panginoong Diyos. “Manila, God First!"

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Kamakailan lang ay nag-guest sa Eat Bulaga! as choices sa "Bawal Judgmental" ang mayors ng iba’t ibang lalawigan.

Doon namin nakilala ang bagets na mayor kagaya ng alkalde ng Alaminos, Pangasinan na si Mayor Bryan Celeste at ang magandang mayor ng San Miguel, Tarlac na si Mayor Donya Tesoro.

Sikat lang sina Mayor Vico at Yorme Isko, pero marami pang mga bagong alkalde na mga bata pa pero masipag at punung-puno ng ideyalismo.

Unang taon nila sa pagsisilbi sa kanilang kinasasakupan kaya talagang ginagalingan at sana, madala sa lumang sistema ng mga trapo.

Gusto ko nga palang purihin ang ginawa ni Yorme Isko sa ilang sikat na landmark ng Maynila na nilinis at inilawan nang bonggang-bongga.

Bahagi ng activities ng Araw ng Maynila, sabay-sabay na binuksan ang ilaw ng Manila Clock Tower, National Museum, Rizal Monument, Fort Santiago, Post Office, Jones Bridge, at Mehan Garden.

Alay raw niya ito sa mga taga-Maynila at para sa frontliners na patuloy pa ring hinaharap ang panganib sa COVID-19 para gumaling ang mga nadale ng nakakahawang sakit.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ON THEIR FIRST YEAR AS ELECTED MAYORS: Dagdag pogi points ang pangako nina Pasig City Mayor Vico Sotto (kaliwa) at Manila City Mayor Isko Moreno (kanan) na tapat at mainam na paglilingkod sa bayan.
PHOTO/S: @vicosotto Instagram / Varsitarian
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results