Vilma Santos on frontliners: "I cannot in conscience allow our country’s last line of defense to fall"

by PEP Troika
Aug 2, 2020
Sa Facebook post ni Congresswoman Vilma Santos, nakiisa ito sa apela ng frontliners na i-reassess ang "national policies and programs" para sa COVID-19.
PHOTO/S: Vilma Santos Recto on Facebook

NOEL FERRER

Di niyo ba naririnig, tinig ng bayan...ngayon naman, medical frontliners na nangangailangan ng atensiyon at tuon at pagkalinga.

Makapanindig-balahibo ang statement ni Ate Vi (Vilma Santos).

Naghuhumiyaw ang pag-ayon niya sa medical frontliners, “NAPAKALAKAS NG INYONG PANAWAGAN.

"The tipping point has been reached. We should not turn a deaf ear to your repeated calls for a reassessment of our national policies and programs in fighting this pandemic.

"We know that you will not give up unless everyone is healed...”

In bold letters, inulit ni Ate vi ang sumamo ng 80 medical societies na naglabas ng open letter.

Sabi ng Congresswoman for All Seasons: "Nakikiusap po ako sa ating pamahalaan na pakinggan ang nga hinaing ng medical community."

Saka ito nagpasalamat sa hindi matatawarang dedikasyon ng mga duktor, nurses, medical technicians sa laban sa COVID-19.

"To our frontliners, we cannot thank you enough for everything that you have done and continue to do for us.

Continue reading below ↓

"We cannot turn a blind eye to your hard work and sacrifices, and all the never-ending risks your profession takes.

"From the bottom of my heart, I SALUTE all of you and shall always be supportive of all efforts to address your concerns for you deserve nothing less.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"I cannot in conscience allow our country’s last line of defense to fall..."

Continue reading below ↓

Taliwas ito sa naunang pahayag ni Senator Cynthia Villar, na kahit ano pang kabig ang gawin niya, mahirap intindihin. Kasi, nabitawan na.

Sa bagong datos na 103,185 confirmed COVID-19 cases, AAMININ NA PO BA NATIN na may maling ginagawa?

At hindi lang dahil pasaway ang mga Pilipino, ha!

Only in accepting that there is something wrong in the strategies can we come up with transparent solutions!

Nakakatakot na po talaga ang numerong ito.

GOD BLESS OUR COUNTRY!

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Bugbog-sarado si Senadora Cynthia Villar sa memes at pang-aalipusta sa social media, kahit hinabol niya na ang mensaheng "pagbutihin nila trabaho nila" ay patungkol sa mga nakaluklok sa gobyerno.

Ramdam natin ang malasakit sa post ni Ate Vi para sa medical frontliners, at sa mga Pilipino sa pangkalahatan.

May mga Diehard Duterte Supporters o DDS na noon pa ay humihiling na palitan si Department of Health Secretary Francisco Duque III, ngunit parang walang reaksiyon si Presidente Rodrigo Duterte sa usaping ito.

Ang panawagan ng Kapusong si Atty. Annette Gozon Valdes nitong Agosto 2, Linggo ng hapon, sa Facebook: “Let's help our frontliners. Let's pretend and behave we are on ECQ for the next 2 weeks.”

Ang ECQ ay and Enhanced Community Quarantine na nagpapatupad ng mas mahigpit na health and safety protocols sa komunidad.

Ang Kamaynilaan ay nasa GCQ na, o General Community Quarantine, na mas may kaluwagan sa movement ng tao, na nakakapagtaas ng COVID cases.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Kung matigas man ang puso ng iilan, marami ang nakisimpatiya sa ating medical frontliners.

Kung meron lang sana akong maitulong, gagawin ko talaga. Ang tanging maibahagi ko siguro ay ang patuloy na pagdarasal para sa kanilang lahat, at sana, malagpasan na natin ito. Sana, matapos na ito, at sana, sa susunod na mga araw ay iyong pababa na ang mga kaso ng COVID-19 ang ibabalita ng DOH.

Tuwing Linggo ay sinusubukan kong makapagsimba sa simbahan na malapit sa amin, dahil araw-araw ay nagsisimba naman ako online. Kanina lang ako hindi lumabas para magsimba dahil natatakot na ako.

Tamang-tama sa Sambuhay Mass na live streaming ay binasa ang pastoral letter na inihanda ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo.

Nakikiisa ang Catholic church sa panawagan ng medical frontliners na ibalik sa ECQ ang Metro Manila, na siyang nakapagtala ng pinakamataas na COVID-19 cases.

Ayon sa tracker ng DOH, nasa 55,808 na ang total number ng infected.

Continue reading below ↓

Bahagi ng naturang pastoral instruction, na pinamagatang We Hear The Call: “We will not hold public religious activities from August 3 to August 14 but we continue our online religious activities.”

Dagdag pa ni Bishop Broderick, “We all suffer from this pandemic economically. However, there are many families who are more badly impacted than others. So, we appeal for generosity.

"Let us give whatever we can, however little it may be, so that no one may suffer the pangs of hunger."

Sa totoo lang, iyan ang mensahe ng Gospel ngayong araw. Kahit sa maliit na halaga o paraan ay meron sana tayong maibahagi sa ating mga kapatid na mas nangangailangan.

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa Facebook post ni Congresswoman Vilma Santos, nakiisa ito sa apela ng frontliners na i-reassess ang "national policies and programs" para sa COVID-19.
PHOTO/S: Vilma Santos Recto on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results