Congresswoman Vilma Santos at Senator Tito Sotto, isinusulong muli ang franchise renewal ng ABS-CBN

by PEP Troika
Jan 5, 2021
Patuloy na umaasa ang mga taga-industriya na sina Batangas Representative Vilma Santos-Recto at Senate President Tito Sotto na maibalik ang prangkisa ng ABS-CBN.
PHOTO/S: Noel Orsal / Allan Sancon

NOEL FERRER

Hanggang late last night ay ka-text ko si Congresswoman Vilma Santos.

Talagang buhos ang suporta sa kanya ng mga taong naniniwalang dapat dinggin ulit ng Mababang Kapulungan ang pagbibigay ng franchise sa ABS-CBN.

Nauna nang naghain ng petition si Senate President Tito Sotto ukol dito.

Nasabi pa ni Tito Sen na nakita niya ang pagiging kampante ng ilang TV networks sa pag-level up sa pagbabalita, at yung ilan pa raw ay nagpalabas na lang ng animé instead of doing more news programs.

With ABS-CBN coming back, sana ay mahamon ulit ang ibang media establishments na paghusayan pa ang kanilang news gathering and reporting.

Nasabi ni Ate Vi, “I believe this is the right thing to do, Noel, I’m still hoping for the best that the House Leadership will take a second look on this sana! Sana, sana!”

Asked kung ano ang kailangang aksyon dito, ang sabi ni Ate Vi, “Trabaho at dasal.”

Continue reading below ↓

Tama, sama-sama tayo sa laban na ito, lalo na ang mga kasama natin sa industriya na grabe ang pinagdaanan sa pagsasara ng isang major network.

GORGY RULA

Tiyak namang marami ang nakikiisa diyan. Huwag na lang sana itong gamitin ng ilang pulitiko sa kung ano man ang plano nila sa 2022.

JERRY OLEA

Nababanaaag na ba ng mga Kapamilya ang Liwanag at Ligaya sa bagong prangkisa ng ABS-CBN ngayong 2021?

Ano kaya ang vibes dito ng mga feng shui expert?

Mapaglaro at mapagbiro ang tadhana, at nagbabadya ang mas mapanganib na variant na coronavirus.

Hanggang nakapuwesto si Presidente Duterte sa Palasyo ng Malacañang, mananatiling suntok sa buwan ang pagbangon ng ABS-CBN Network.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patuloy na umaasa ang mga taga-industriya na sina Batangas Representative Vilma Santos-Recto at Senate President Tito Sotto na maibalik ang prangkisa ng ABS-CBN.
PHOTO/S: Noel Orsal / Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results