Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Vivian Velez, Antonio Trillanes IV, Vice Ganda may reaksiyon sa pagsasara ng TV Plus

by PEP Troika
4 days ago
Kanya-kanya ng opinyon ang celebrities na sina (mula kaliwa) Vivian Velez, former Senator Antonio Trillanes IV, at Vice Ganda sa pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN TV Plus.
PHOTO/S: Facebook / YouTube / Instagram

JERRY OLEA

Shout out ni Vivian Velez sa Facebook nitong Hulyo 1, Miyerkules ng umaga:

“Playing the blame game? Learn the meaning of 'violations' and 'rule of law'.

“It should be applied evenly... #downwiththeoligarchs”

Tweet naman ni Senador Sonny Trillanes IV nitong Miyerkules ng hapon:

“3 big issues in recent days:

Continue reading below ↓

“1. PNP massacres four Army men;

“2. Chinese ship rams Pinoy fishing boat, 14 missing;

“3. NTC shuts down ABS-CBN again.

“But duterte did not mention any of them. Instead, he orders CIDG, BIR, & NBI to investigate J&T...”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Makalipas lang ang ilang minuto, nag-tweet si Vice Ganda:

“Kahit mabigat ang pinagdadaanan natin gagawa kami ng paraan para mapagaan ang mga damdamin nyo. Pangako yan! Tatawa pa din tayo.”

Continue reading below ↓

Ano nga iyong tweet ni The Professional Heckler the night before bago maghating-gabi?

NOEL FERRER

Kausap ko ang isang reporter ng Kapamilya network.

Nakaapat na taon na pala tayo sa namumuno sa atin ngayon. Have we become better?

Kahit ulit-ulitin pa tayong patawanin nina Vice Ganda, matutuwa pa ba tayo sa nangyayari sa buhay natin ngayon?

Continue reading below ↓

Sana, lesson learned din ito sa mga artistang sumusuporta ng mga kandidato at politiko.

“At ang lahat ng ito ay magpapatuloy hangga’t tayong mga Pilipino ay hindi pinapahalagahan ang ating mga boto.”

GORGY RULA

Maraming isyung dapat nating pansinin. Pero sana, unahin muna natin yung karamihang lalong nagugutom.

Pumasok na tayo sa buwan ng Hulyo, pagtapos nito ay mararamdaman na natin ang kaway ng Pasko.

Ang tanging hangad natin ay maibsan na itong sobrang hirap.

Kapag ganoon pa rin ang takbo ng mga pangyayari, mag-ingat na talaga tayo.

Hindi malayong mangyaring may papatay para lang sa isang de lata at isang kilong bigas.

Eto nga, ngayon lang nangyari sa East Avenue Medical Center, Quezon City.

Isang lalaking naaksidente. Habang ginagamot, biglang hinostage ang doktor na tumitingin sa kanya, dala na rin ng kahirapan.

Etong gutom ang matinding pinagdaanan natin ngayon.

Medyo mapagaan-gaan naman sana ng konti kung marami pang programa tayong mapapanood sa TV.

Continue reading below ↓

E, kaso... ganyan na, e!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kanya-kanya ng opinyon ang celebrities na sina (mula kaliwa) Vivian Velez, former Senator Antonio Trillanes IV, at Vice Ganda sa pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN TV Plus.
PHOTO/S: Facebook / YouTube / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results