Gandarang Young Actress dinidedma ang magulang ni Pogilicious Young Actor?

by PEP Troika
Jan 9, 2021
Blind Item
Sino kaya ang magboyfriend-girlfriend na ito?

JERRY OLEA

Mapagmahal sa pamilya ang Pogilicious Young Actor.

Sa murang edad ay inako niya ang pagiging breadwinner, partikular ang pagpapaaral sa mga kapatid.

Mahilig mang makipagharutan ang Pogilicious Young Actor sa iba’t ibang dilag, hindi siya nagkukulang sa responsibilidad niya sa mga kapamilya.

Ngunit sa pagtibok ng puso ng Pogilicious Young Actor, nagkaroon ng agam-agam ang kanyang ama’t ina. Disappointed ang parents ng Pogilicious Young Actor sa kasintahan nitong Gandarang Young Actress.

Iniisnab-isnab ng gandarang young actress ang mga magulang ng boyfriend. Dinededma-dedma kapag nagkikita-kita sila.

Salat sa effort ang Gandarang Young Actress para mapalapit sa parents ng nobyo.

At tila okay lang kay Pogilicious Young Actor ang ganoong trato ng Gandarang Young Actress sa kanyang mga magulang.

Nakaka-shookt, Lady Whistledown!

GORGY RULA

May ilan akong nakausap na alam ang relasyon ng dalawa, may mga sinasabi naman sila laban sa tatay ng Pogilicious Young Actor. Baka may nasabi raw si papa na di nagustuhan ni Gandarang Young Actress kaya dinededma-dedma na sila.

Continue reading below ↓

Ramdam naming di boto ang pamilya ni pogilicious young actor dito kay Gandarang Young Actress.

Pero wala silang magawa kung si Gandarang Young Actress ang itinitibok ng puso ng kanilang anak.

Magtatagal kaya ang ganitong relasyon kung may mga kumokontra at kailangan pa nilang itago ang pagmamahalan?

NOEL FERRER

Love conquers all! And love should not be blind!!!

Hindi ako makapaniwala rito! I wonder kung sino ang nagsasabi nito dahil kilala ko si gandarang young actress at magiliw siya sa akin.

At kung ako man iyong maling pakitungo, hindi ito dapat pinalagpas ng pogilicious young actor, dahil magulang na niya mismo ang sangkot.

Hindi pa rin ako makapaniwala. At hangad ko pa rin na lalo pang magkamabutihan ang magkasintahang ito to prove their detractors wrong.

HOT STORIES

Read Next
Read More Stories About
blind item, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino kaya ang magboyfriend-girlfriend na ito?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results