PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eula Valdez collaborates with her ex-husband for "Schizo"

The actress talks about her 12-track solo album, which features three songs from Ronnie Quizon.
by Rommel R. Llanes
Published Oct 23, 2008
Eula Valdez tries her hand at singing with her first solo album titled Schizo. This 12-track album is being distributed by EMI Philippines.


Sa kanyang pagve-venture sa isang naiibang mundo, pinasok ni Eula Valdez ang recording scene. Kaya ang mahusay na aktres na nakilala noon bilang si Amor Powers at napapanood ngayon sa La Lola ng GMA-7 ay isa nang ganap na singer.

Schizo ang pamagat ng pinakaunang solo album ni Eula na naglalaman ng 12 kanta; sampung original at dalawang revivals.

Bukod sa siya ang artist, siya rin ang nag-conceptualize at nag-produce ng music video ng kantang "Minahal Kita" na carrier single ng album niya.


Ang dating balut vendor na ngayon ay isa ng Filipino international male supermodel na si Rocky Salumbides ang leading man ni Eula sa naturang music video. "Bagay na bagay siya sa video na ‘yun, hindi kami nagkamali na siya ang pinili namin for he part," says Eula.

Dagdag pang pahayag ng actress/recording artist tungkol sa kanyang album. "Siyempre, nakialam rin ako sa ibang bagay, puwede ba namang hindi? As in ako rin ang production manager, location manager, field cashier... pati editing at directing, pinakialaman ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pati paggu-grocery ng mga pagkain at kung anu-anong kakailanganin sa shoot ng music video, kinarir ko," tawa ng tawang pahayag pa ni Eula.

May sorpresa sa album, dahil kahit naghiwalay sila ay matalik na magkaibigan ngayon sina Eula at former partner niyang si Ronnie Quizon. Sumulat si Ronnie ng tatlong kanta sa album!

Isa sa mga nilikhang awitin ni Ronnie for Eula's album ay ang sexy song na "Blue." Ayon kay Eula, "Sexy na bluesy song ‘yun. Siya [Ronnie] rin ang sumulat ng ‘Friends For Too Long.' Kuwento ‘yun tungkol sa dalawang magkaibigan na puwedeng mauwi sa pagiging lovers."

Kabaligtaran daw ito ng nangyari sa kanila ni Ronnie, na lovers dati na friends ngayon.

"Sa amin, baligtad ang nangyari, lovers, naging friends ulit, kaya at least, heto at ginawan ako ng tatlong kanta. Hahaha!

"Si Ronnie rin ang gumawa ng ‘Who Can Stop The Rain.' Ginawa niya yung song noon pa para sa akin, almost thirteen years ago na." Hiningi daw niya kay Ronnie ang nabanggit na kanta at pinagawan ni Eula ng naiibang areglo para bumagay sa boses niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang composer at co-producer ni Eula sa Schizo album na si Vince De Jesus ay may isinulat na limang kanta sa album ng aktres.

"Yung ‘Niebe,' ‘Ulan,' ‘Bahaghari,' parang pagde-describe ng love of a person's life in a unique way. Yun namang ‘Huwag Mo Nang Simulan,' song para sa mga torpe." At idine-dedicate rin daw ni Eula ang naturang kanta para sa mga bading at para sa mga gustong magladlad pero nahihiya.

"'Yun namang ‘Di Na Muli,' rock-ballad na puwedeng gawing theme song ng isang telenovela."

Espesyal naman para kay Eula ang awiting "Rich" dahil ginawa ito ni Vince para sa mister ng aktres na si Richard Litonjua.

Ito naman ang deskripsyon ni Eula sa awiting "Man of Steel": "Para naman sa mga nagmahal ng mala-Superman pero nilaglag sa ere, pero naka-survive on their own at tadhana na mismo ang gumanti sa lalaki. Hahaha!

Bukod sa mga original songs, nilalaman rin ng album ni Eula ang version niya ng mga sikat na awiting tulad ng "Drivin'" (na original ng Everything But The Girl), at ang "Love Don't Live Here Anymore" na pinasikat ni Madonna.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang Schizo album ni Eula Valdez ay available na sa mga record bars at distributed ito ng EMI Philippines.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eula Valdez tries her hand at singing with her first solo album titled Schizo. This 12-track album is being distributed by EMI Philippines.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results