Sa kanyang
pagve-venture sa isang naiibang mundo, pinasok ni Eula Valdez ang recording
scene. Kaya ang mahusay na aktres na
nakilala noon bilang si Amor Powers at napapanood ngayon sa La Lola ng
GMA-7 ay isa nang ganap na singer.
Schizo ang
pamagat ng pinakaunang solo album ni Eula na naglalaman ng 12 kanta; sampung
original at dalawang revivals.
Bukod sa siya ang artist, siya rin ang nag-conceptualize at nag-produce ng music video ng kantang "Minahal Kita" na carrier single ng album niya.
Ang dating balut vendor na ngayon ay isa ng Filipino international male
supermodel na si Rocky Salumbides ang leading man ni Eula sa naturang music
video. "Bagay na bagay siya sa video na ‘yun, hindi kami nagkamali na siya ang
pinili namin for he part," says Eula.
Dagdag
pang pahayag ng actress/recording artist tungkol sa kanyang album. "Siyempre,
nakialam rin ako sa ibang bagay, puwede ba namang hindi? As in ako rin ang
production manager, location manager, field cashier... pati editing at directing,
pinakialaman ko.
"Pati
paggu-grocery ng mga pagkain at kung anu-anong kakailanganin sa shoot ng music
video, kinarir ko," tawa ng tawang pahayag pa ni Eula.
May
sorpresa sa album, dahil kahit naghiwalay sila ay matalik na magkaibigan ngayon
sina Eula at former partner niyang si Ronnie Quizon. Sumulat si Ronnie ng
tatlong kanta sa album!
Isa sa mga nilikhang awitin ni Ronnie for Eula's album ay ang sexy song na "Blue." Ayon kay Eula, "Sexy na bluesy song ‘yun. Siya [Ronnie] rin ang sumulat ng ‘Friends For Too Long.' Kuwento ‘yun tungkol sa dalawang magkaibigan na puwedeng mauwi sa pagiging lovers."
Kabaligtaran daw ito ng nangyari sa kanila ni Ronnie, na lovers dati na friends ngayon.
"Sa amin, baligtad ang nangyari, lovers, naging friends ulit, kaya at least, heto at ginawan ako ng tatlong kanta. Hahaha!
"Si Ronnie rin ang gumawa ng ‘Who Can Stop The Rain.' Ginawa niya yung song noon pa para sa akin, almost thirteen years ago na." Hiningi daw niya kay Ronnie ang nabanggit na kanta at pinagawan ni Eula ng naiibang areglo para bumagay sa boses niya.
Ang composer at co-producer ni Eula sa Schizo album na si Vince De Jesus ay may isinulat na limang kanta sa album ng aktres.
"Yung ‘Niebe,' ‘Ulan,' ‘Bahaghari,' parang pagde-describe ng love of a person's life in a unique way. Yun namang ‘Huwag Mo Nang Simulan,' song para sa mga torpe." At idine-dedicate rin daw ni Eula ang naturang kanta para sa mga bading at para sa mga gustong magladlad pero nahihiya.
"'Yun namang ‘Di Na Muli,' rock-ballad na puwedeng gawing theme song ng isang telenovela."
Espesyal naman para kay Eula ang awiting "Rich" dahil ginawa ito ni Vince para sa mister ng aktres na si Richard Litonjua.
Ito naman ang deskripsyon ni Eula sa awiting "Man of Steel": "Para naman sa mga nagmahal ng mala-Superman pero nilaglag sa ere, pero naka-survive on their own at tadhana na mismo ang gumanti sa lalaki. Hahaha!
Bukod sa mga original songs, nilalaman rin ng album ni Eula ang version niya ng mga sikat na awiting tulad ng "Drivin'" (na original ng Everything But The Girl), at ang "Love Don't Live Here Anymore" na pinasikat ni Madonna.
Ang Schizo album ni Eula Valdez ay available na sa mga record bars at distributed ito ng EMI Philippines.
