Matapos makuha ni Charles, ang Raketista ng Dagupan, ang immunity necklace sa Survivor Philippines Palau, muling nabuhay ang usap-usapan ng mga natitirang babaeng castaways tungkol sa puntirya ng kanilang solid na alyansa: ang "Hot Dad" ng Zambales na si Shaun.
Plantsado na sana ang lahat, pero aksidenteng narinig at
nabuking ni Shaun ang plano ng mga babaeng castaway kung kaya't hiniram niya sa
Japinoy Hunk na si Suzuki ang Hidden Immunity na una na nilang nahanap sa
pamamagitan ng mga clue. Sinabi ni Shaun kay Suzuki na siguradong siya na
talaga ang isusunod kaya't kailangan niya ang immunity bracelet para hindi siya
matanggal sa laro. Buong tapat na binigay naman ito ni Suzuki.
Kaya't para malinawagan, hinarap ni Shaun si Mika at
nagtanong kung bakit siya ang planong tanggalin. Mariin naman itong tinanggi ni
Mika at sinabi na may hindi lang daw pagkakaunawaan dahil ang talagang plano
nilang tanggalin ay ang Transexual Beauty Queen na si Justine. Kunwari lang daw
na si Shaun ang plano para hindi makahalata si Justine.
Kahit na may minsang pinagsamahang alyansa sina Shaun at
Mika, kumbinsido sila pareho na may lamat na ito. Alam ni Shaun na hindi
nagsasabi ng totoo si Mika. Alam naman ni Mika na isang malaking threat si
Shaun kung kaya't nararapat na itong ilaglag—tulad ng ginawa niya sa dating
kaalyansang si Cris Bolado.
Ngayong Biyernes ng gabi, saksihan ang pagbagyo ng emosyon,
at pagbaha ng luha mula sa madamdamin nilang paghaharap sa ika-apat na Tribal
Council ng Sonsorol.
Tuluyan
ng nga bang mawawasak ang samahan ng dating solid Airai alliance nina Mika at
Shaun? Si Justine nga ba ang ilalaglag ng alyansa ng kababaihan at dito na ba
nagtatapos ang kanyang pananatili sa laro? Gagamitin nga ba ni Shaun ang
kanilang nakuhang hidden immunity? Sino ang makakakuha ng kinatatakutang blood
pearl na may automatic two votes sa ika-limang tribal council?
Huwag
palampasin mamayang gabi ang pinakamadadaming pamamaalam sa reality show na
ito.
Mapapanood ang Survivor Philippines Palau pagkatapos ng Rosalinda
sa GMA Telebabad.