PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Babaha ng luha sa Survivor Philippines Palau ngayong gabi, Oct 25

Will the alliance of Mika and Shaun crumble?
Published Oct 23, 2009
Will the alliance of Mika and Shaun crumble? Find out tonight in the October 25 episode of Survivor Philippines Palau.

Matapos makuha ni Charles, ang Raketista ng Dagupan, ang immunity necklace sa Survivor Philippines Palau, muling nabuhay ang usap-usapan ng mga natitirang babaeng castaways tungkol sa puntirya ng kanilang solid na alyansa: ang "Hot Dad" ng Zambales na si Shaun.


Plantsado na sana ang lahat, pero aksidenteng narinig at nabuking ni Shaun ang plano ng mga babaeng castaway kung kaya't hiniram niya sa Japinoy Hunk na si Suzuki ang Hidden Immunity na una na nilang nahanap sa pamamagitan ng mga clue. Sinabi ni Shaun kay Suzuki na siguradong siya na talaga ang isusunod kaya't kailangan niya ang immunity bracelet para hindi siya matanggal sa laro. Buong tapat na binigay naman ito ni Suzuki.


Kaya't para malinawagan, hinarap ni Shaun si Mika at nagtanong kung bakit siya ang planong tanggalin. Mariin naman itong tinanggi ni Mika at sinabi na may hindi lang daw pagkakaunawaan dahil ang talagang plano nilang tanggalin ay ang Transexual Beauty Queen na si Justine. Kunwari lang daw na si Shaun ang plano para hindi makahalata si Justine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Kahit na may minsang pinagsamahang alyansa sina Shaun at Mika, kumbinsido sila pareho na may lamat na ito. Alam ni Shaun na hindi nagsasabi ng totoo si Mika. Alam naman ni Mika na isang malaking threat si Shaun kung kaya't nararapat na itong ilaglag—tulad ng ginawa niya sa dating kaalyansang si Cris Bolado.


Ngayong Biyernes ng gabi, saksihan ang pagbagyo ng emosyon, at pagbaha ng luha mula sa madamdamin nilang paghaharap sa ika-apat na Tribal Council ng Sonsorol.


Tuluyan ng nga bang mawawasak ang samahan ng dating solid Airai alliance nina Mika at Shaun? Si Justine nga ba ang ilalaglag ng alyansa ng kababaihan at dito na ba nagtatapos ang kanyang pananatili sa laro? Gagamitin nga ba ni Shaun ang kanilang nakuhang hidden immunity? Sino ang makakakuha ng kinatatakutang blood pearl na may automatic two votes sa ika-limang tribal council?


Huwag palampasin mamayang gabi ang pinakamadadaming pamamaalam sa reality show na ito.


Mapapanood ang Survivor Philippines Palau pagkatapos ng Rosalinda sa GMA Telebabad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
GMA-7, TV, television
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Will the alliance of Mika and Shaun crumble? Find out tonight in the October 25 episode of Survivor Philippines Palau.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results