Photo: Mell Navarro (Francis, mark)

PHOTO CAPTION: JM de Guzman (top frame, leftmost) won Best Actor for the New Wave entry Pinatakasi, which also won Best Picture. This year's MMFF executive committee is headed by Francis Tolentino (bottom frame, left) while director Mark Meily (bottom frame, right) serves as the chairman of the New Wave category of the 37th MMFF.

Bago pa man opisyal na nagbukas sa mga sinehan ang mainstream film entries ng 37th Metro Manila Film Festival (MMFF) noong December 25, 2011, nauna nang ipalabas sa publiko ang independent films na part na rin ng taunang filmfest.

Nagsimula last year (2010) sa MMFF ang pagbibigay-halaga at suporta ng Metro Manila Development Authority (MMDA), organizers ng nasabing festival, sa Pinoy indie cinema--with five (5) films na kalahok, at ang Presa nga ang nagwaging best indie film sa awards night.

Sa ikalawang taon ng pagbibigay ng pagkakataon ng MMFF sa indie films na mapanood ng publiko, tinawag na "New Wave" ang nasabing kategorya--with this year's elected Chairman, ang award-winning film, TV, and commercial director na si Mark Meily.

Pasok sa list ang limang full length films:  Dyagwar ni Direk Sid Pascua, HIV ni Direk Neal Tan, Ritwal ni Direk Yeng Grande, Haruo ni Direk Adolf Alix, Jr., and Pintakasi nina Direk Lee Meily, Rep. Imee Marcos, and Nelson Caguila.

Itinanghal ito nang limang araw--December 17-21, 2011 sa Robinsons Galleria Cinema 3 (Ortigas Center).

(CLICK HERE to read related article)

Sa Gabi ng Parangal ngayong gabi, December 28, 2011 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila (Pasay City), nominado bilang Best New Wave Film ang limang kalahok na pelikula -- Dyagwar, Haruo, HIV, Ritwal, at Pintakasi.


Ang itinanghal na Best Film sa New Wave category ay ang Pintakasi at si JM de Guzman, ang isa sa mga bida ng Pintakasi, ay hinirang bilang Best Actor para sa naturang category. Nanalo naman bilang Best New Wave Actress si Iza Calzado para sa HIV.


Ang Mate ng Colegio de San Juan de Letran at ang Payaso ng De La Salle Lipa ang nag-tie para sa Best Film sa student category. Tumanggap naman ng Jury Prize ang short film na Biyahe Ni Barbie, directed by Kookai Labayen of Dela Salle College of St. Benilde.


Ang Gender Sensitivity Award para sa New Wave student category  ay napunta sa Speechless by Miriam College samantalang ang Gender Sensitivity Award para sa full-length category ay napunta sa HIV by Neil Tan.

 

Sa presscon ng MMFF na ginanap sa Club Filipino kamakailan, inanunsiyo ni MMDA Chairman Francis Tolentino na bukod sa Best New Wave Film, starting this year ay idadagdag na ang Best New Wave Actor at Best New Wave Actress--na hiwalay sa mainstream section films.

Ayon naman sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Mark Meily ngayong tanghali, narito ang official nominees sa nasabing acting categories sa indie section:

Nominees for Best New Wave Actor: Boom Labrusca (Dyagwar), Jake Cuenca (HIV), JM De Guzman (Pintakasi), Jacky Woo (Haruo).

Nominees for Best New Wave Actress: Maria Isabel Lopez (Ritwal), Erich Gonzales (Pintakasi), Iza Calzado (HIV), Maria Isabel Lopez (HIV).  Take note na double nomination for this category si Lopez.

Ang board of judges or jurors for the New Wave section ay binubuo lamang ng tatlong tao, tulad sa Palanca Awards.  Sila ay sina:

Unang judge ay si Director Mel Chionglo, award-winning director ng Sibak, Twilight Dancers, Lagarista, and Lahar. Nanalo siya ng Gawad Urian at FAMAS for Itim.

Ikalawang judge ay si Coreen Jimenez, award-winning director and producer of Big Time and Kano, na nanalong Best Film sa International Documentary Film Festival (IDFF) sa Amsterdam noong 2010 at naupo bilang jury sa nasabing festival ngayong 2011.