PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nora Aunor motivates Althea Vega while shooting Dementia in Batanes

Nora Aunor, Jasmine Curtis Smith, and other Dementia stars spent several days in Batanes to shoot the psychological horror-drama&l
by William R. Reyes
Published Apr 9, 2014
Jeric Gonzales, Nora Aunor, and Jasmine Curtis Smith spent several days in Batanes to shoot the psychological horror-drama Dementia.

Good news ang inihatid ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Superstar na si Nora Aunor noong gabi ng March 27, 2014. Ito ang gabi bago tumulak pabalik ng Maynila mula Batanes ang grupo ng Dementia na kinabibilangan ng aktres at ng kanyang direktor na si Perci Intalan.

Ibinalita agad ng PEP ang naibahaging impormasyon online hinggil sa pagkapili kay Ms. Aunor bilang Female counterpart sa kategoryang Showbiz Treasures of the Year. Ito ang isa sa mga parangal sa PEPSTERS' Choice ng The PEP List 2013.

Ang male counterpart ni Ate Guy sa parangal ay ang TV host-comedian, Joey de Leon. Sina Kim Chiu at James Yap naman ang nagkamit ng karangalan, bilang Newsmakers of the Year 2013.

Ang PEPSTERS' Choice ay isa sa mga component ng The PEP List 2013 (online voting), along with the Editors' Choice, as verified and tabulated by PEP's official independent auditing partner firm, Punongbayan & Araullo Associates.

(To view complete list of winners, CLICK HERE)


Ang lahat ng mga nanalo sa The PEP List ay bibigyang parangal sa May 20 awards night na co-presented ng SM Parisian at gagawin sa Solaire Resort and Casino, ang official venue partner ng PEP.

Hinggil sa kanyang pagwawagi sa naturang online voting nang dahil sa PEPsters, simpleng pasasalamat ang nasambit ni Nora Aunor.

"Marami pong salamat," aniyang nakangiti.

Nakarating na rin sa kaalaman ng Superstar na siya ang isa sa mga napiling Pinakapasadong Aktres ng grupong PASADO (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro) sa taunang parangal na itinataguyod ng mga Pilipinong miyembro ng academe.

Napiling pinakamahusay si Nora Aunor sa taong 2013 para sa pagganap niya, bilang folk healer, sa indie film na Ang Kwento Ni Mabuti na sinulat at dinirek ni Mes de Guzman.

Ginanap ang awarding ceremonies ng Gawad PASADO noong April 5, 2014, sa Far Eastern University Auditorium.

May additional sequences pang kinunan si Nora para sa Dementia sa Bulacan; at pagsu-shooting this May ng Hustisya, the Nora Aunor-led starrer for Cinemalaya 2014, written by Ricky Lee and directed by Joel Lamangan.



GOOD WORKING RAPPORT. Habang nasa Batanes, sa isla ng Sabtang, mula March 19 hanggang March 27, ay maganda ang naging working relationship ni Nora sa kanyang mga co-actor, sa Dementia.

As noted in PEP's previous articles (and in YES! magazine's March 2014 issue), Dementia is a psychological horror-drama, produced by Perci Intalan and Jun Lana's Octobertrain Films.

Intalan informed PEP, Dementia is a sole production of his and Lana's outfit, with Studio 5 as co-investor (as differentiated from being a co-producer).

Hindi na rin si Jun Lana ang screenwriter, kundi ang baguhang manunulat na si Renee Dimla, a Carlos Palanca Literary awardee. Sina Dimla, Lana at mismong si Direk Perci ang magkakatuwang na humabi ng kuwento ng Dementia, na base sa karanasan ng isang ginang na may Alzheimer's disease.

Ang kaibahan, ang bidang character ni Mara Fabre (Nora), bukod sa may palatandaan ng taglay na Alzheimer's desease, ay mayroong kababalaghang bumabalot sa buo niyang pagkatao, na mayroong madidilim na pangitaing pilit tinutuklas kundi man nilalabanan ng kanyang magulong isipan at damdamin.




(From upper left, clockwise) Bing Loyzaga, Jasmine Curtis Smith, Chynna Ortaleza, and Nora Aunor. From Facebook page of Jun Robles Lana.


Sa ganu'ng sitwasyon ay apektado ang lahat ng mga tauhang ugnay kay Mara, kabilang ang mag-inang balikabayang sina Elaine (Bing Loyzaga) at Rachel (Jasmine Curtis-Smith) at ang husband ni Elaine (Yul Servo); ang matandang katiwalang si Papu (Lou Veloso) at ang teenager na lalaking Ivatan (Batanes-born), si Vincent (Jeric Gonzales); nais nilang panumbalikin ang masiglang pagkatao at tahimik na pag-iisip ng minsang nag-alaga sa mag-ina; at kaibigan ng matandang katiwala.

Sa isang banda, nariyan din ang mga tauhan nina Olivia (Chynna Ortaleza) at batang Mara (Althea Vega), na magpapaalala ng masasaya at mapapait na tagpo ng nakaraang buhay ng mature Mara (Nora); at ang misteryong bumabalot sa kasalukuyan nitong "demented" state.

Isang partikular na tagpong kinunan, noong March 24, ang eksena sa maliit na sementeryo ng Sinakan (a small baranggay, in Sabtang island); sangkot dito sina Chynna at Althea, bilang omnipresent beings sa mapaglarong imahinasyon ni Mara (Nora).

Madamdamin ang eksena sa pagitan nina Chynna at Althea, na kinunan sa isang bahagi ng libingang kung tawagin ay 'Paluhaan'; nasa gitna ng sementeryo, na pinupuntahan ng nais mag-alay ng taimtim na dasal para sa mga mahal na yumao, sa harapan ng dalawang imahe ng santo.





Sa maulap na hapong 'yon, maluwalhating naitawid ang eksena, matapos ang kung ilang rehearsal-takes at actual takes.

Mabusisi si Direk Perci bilang first-time director. Maaaring nakakapagod ang paulit-ulit na takes, o pagpapa-arte sa mga artista, sa harap ng kamera, pero walang nagrereklamo sa kanyang mga artista.

"Ang ganda ng mga shots... mahusay si Direk Perci!" nasambit ni Nora sa isa niyang pag-a-assess sa nagaganap na shooting.

Besides, hindi raw nakaka-stress ang trabaho, dahil organisado at halos hindi inaabot ng pagdilim ang shooting; mostly ay day effect ang mga eksenang kinukunan.

Sa co-stars niya ay naging mapagbigay rin ang beteranang aktres, hindi lamang sa mga papuri o encouragement, kundi sa mismong pagta-trabaho, na gumagabay si Nora sa eksena, kahit hindi siya ang nasa harap ng kamera.

Hindi makakalimutan ng lahat na nasa set ng Dementia ang nangyari kay Chynna Ortaleza matapos ang partikular nilang eksena ni Althea.

Sa ipinakitang matinding akting, nagpalakpakan ang direktor at staff, at iba pang onlookers sa set. Chynna was reduced to tears, habang unang-unang yumakap sa kanya ang natutuwang si Nora.

Kinausap ng PEP si Chynna matapos ang eksena at habang may ibang kaabalahan sa set si Nora.

"Ay, nakaka-'lurkey' ang sinabi [ni Ate Guy]!" pagtukoy ni Chynna nang usisain ng PEP ang tungkol sa mga encouraging words sa kanya ng isang Nora Aunor.

Hindi na matandaan ni Chynna ang eksaktong sinabi ni Ate Guy, pero yun daw ay bilang pag-commend sa kanyang ipinakitang pagganap, na tama at aprubado para sa isang de-kalibreng aktres.

Dahil doon, lalong nagkaroon ng confidence sa sarili ang Kapuso actress.

"Opo, kasi, kumbaga si Ate Guy 'yon [na pumuri]; nung sinabi niya yon, parang nawala lahat ng kaba ko!

"Kasi, kami ni Althea, talagang gusto namin na magawa nang tama lahat ng eksena.

"Hindi ko rin alam yung nangyayari, pero to hear it from somebody like her [Nora], I guess, yeah, it really meant a lot. It's a big encouragement!

"Wala nga akong masabi, e. Umiyak talaga ako! Kasi, siya [Nora] po yun, e. Hindi po ako nahirapan. Masaya po kami na, so far, ang pinaka-proud ako is everybody on the set... lahat ng actors talaga, nakikita ko, we're really trying our best to make it work.

"Because we are working with the Superstar... and she deserves, like, a good job from all of us, too..."



ACTING WORKSHOP ON THE SET. Sa isang banda, nagkaroon ng konting problema si Althea Vega sa nasabing confrontation scene.

Hinihingi ng eksena ang isang nagngangalit na babae (Althea's character, as young Nora), na may matinding poot sa katunggali, pero hindi niya ito magawang saktan dahil minamahal niya itong kapatid.

Wala mang panunumbat, ang nais ng young Mara ay paglilinaw mula kay Olivia (Chynna) na masasabing overly possessive at yun ang posible nitong maging downfall.

Sabi ni Althea sa PEP, "'Di ba ang eksena ko dito, galit na galit? E, yung personality ko kasi, hindi ako ang tao na parating nagagalit sa bahay... hindi masyadong mainitin yung ulo ko.

"Kaya ang hirap ibigay ‘yon. Wala kang paghuhugutan ng sama ng loob..."

Sa mga unang take ni Direk Perci, Althea was a total letdown. Hindi niya mabigkas nang malinaw ang kanyang mga linya; halos tuluy-tuloy na parang "kinakain" ang mga salita ng panunumbat.

Sa presence ni Nora, na nasa kanilang harapan, lalong kinabahan si Althea at hindi makapag-deliver nang tama at maayos.

Sa puntong 'yon kinausap ni Ate Guy ang baguhang young actress.

Kinuwento ni Althea na sinabi sa kanya ni Nora, "’Althea, isipin mo na sa eksenang ito, ikaw ay ako. Kapag hindi mo nagawa nang tama at maayos ang eksena, ako rin ang masisira.

"Isipin mo, kung 'papa'no ka magalit. Magalit ka! 'Pag hindi mo nagawa yan, hindi na kita kakausapin!'”

Dahil dito, naiyak na si Althea at nagawa na niya nang tama ang eksena.

Gano'n na lang ang tuwa ni Althea, matapos maitawid ang eksena nila ni Chynna.

Laking pasasalamat ni Althea kay Ate Guy.

"Minotivate niya ako, habang nando'n ako [sa set]. Malaking tulong yon sa akin, yung pagmu-motivate niya na, 'Kaya mo yan, kaya mo 'yan!' Kasi ang hirap hugutin, e.

"Meron din naman akong tampo na nararamdaman, sa mga bagay-bagay, pero hindi yung gano'n [na matinding galit]..."

Totoo bang gusto rin niyang gayahin ang akting ni Nora, para mas lumabas na tama ang eksena, pero hindi niya magawa?

"Hindi naman sa gustong gayahin... no, hindi yun pumasok sa isip ko, na kailangang magaya ko siya; kasi imposible naman, e.

"Ang sa akin lang, inisip ko na 'Sana, maipakita ko, o maiparamdam ko yung character ni Mara. Yun lang, e.

"Imposible namang tapatan mo yung acting na isang ano... ni Ate Guy!"

Satisfied ba si Althea sa naging pangyayari, matapos ang kanyang "struggle" at pagwu-workshop-on-the-set sa kanya ni Ate Guy?

"Yeah!" tuwang-tuwang sambit ng aktres. "I'm satisfied, kasi satisfied si Ate Guy at si Direk!"



FIVE-MINUTE CLOSE UP SHOT. Matapos ang satisfying take involving Chynna and Althea, it was time for Nora's POV (point of view) close-up, na kailangang ipakita ng aktres ang iba't ibang uri ng emosyon sa pamamagitan ng facial expression.

Major asset ni Nora, sa mga ganitong eksena, ang kanyang mapangusap na mga mata and Direk Perci utilized it to the full.

Sa loob ng limang minuto, o ayon sa naibahagi sa PEP ni Lawrence Ang, ang film editor ng Dementia, ang mga magkakahalong takot, pangamba, pagtataka o pagkalito, kalungkutan at kahungkagan, at pagtangis, o ang anupamang damdamin, ay pawang nag-rehistro sa mukha at habang nakatingin si Nora sa lente ng kamera (ni Mackie Galvez, ang cinematographer).

Sa set, malakas na palakpakan ang narinig, matapos sumigaw ng "Cut!" ni Direk Perci. It was his first and only take at na-perfect ito agad ni Nora.

Niyakap agad ni Perci si Ate Guy, pagkatapos niyon.

"Congratulations, Ate Guy!" aniya. Dalang-dala ang direktor sa husay na ipinakita ng kanyang pangunahing aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
Nora Aunor, Dementia, indie
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Gonzales, Nora Aunor, and Jasmine Curtis Smith spent several days in Batanes to shoot the psychological horror-drama Dementia.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results