"Ako talaga ang nang-aapi kay Dina sa istorya. Most of our scenes, magkasama kami, nagtatarayan, nagpaparunggitan," Glydel Mercado gives a preview of her scenes with another great actress, Dina Bonnevie.

Photo: Noel B. Orsal

Portrait of marital contentment ang dating ni Glydel Mercado. Isa sa iilang dating sexy stars na nang lumagay sa tahimik, ay talagang nanahimik. Inalam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang sikreto sa magandang pagsasama nila ng aktor na si Tonton Gutierrez.

"Nagpapasalamat na lang ako na nang magpakasal kami ni Tonton, talagang tumutok na siya sa pagpapamilya," naipahayag pa ni Glydel.

"Wala talagang anumang naging tsismis, unlike the time when we were still mag-boyfriend. Iba kasi noon, marami ring nang-iintriga. At saka nag-lie low ako sa pag-aartista kaya siguro walang masyadong nagkainteres na intrigahin kami," dugtong pa ng aktres.

Wala namang nabago talaga sa kanilang buhay-may-asawa kumbaga.

"'Yun nga lang, ngayong nag-aartista uli ako, hindi na puwede sa akin ang sexy role. Bukod sa hindi na bagay, ayoko na rin talaga. May binabagayan na talaga 'yan.

"Then, ngayon, may inaalagaan na akong bata. Four years old na si Aneeza. Hindi pa nga nasusundan. Wala naman kaming balak mag-family planning, pero kahit sinusubukan namin, hindi pa dumarating yung kasunod," natatawang sabi pa ni Glydel.

THE PRIME KONTRABIDA. Excited si Glydel sa acting showdown nila ni Dina Bonnevie sa Babangon Ako't Dudurugin Kita. Lumalabas na si Glydel ang prime kontrabida ng bagong teleseryeng ito ng GMA-7.

"Ako talaga ang nang-aapi kay Dina sa istorya," sabi pa ni Glydel. "Most of our scenes, magkasama kami, nagtatarayan, nagpaparunggitan.

"Naging biktima rin niya ako sa istorya dahil may pinasabog na bomba si Dina rito at napuruhan ako, kaya may eksenang naka-prosthetics ako. Ibang-iba na ang istorya nito sa movie version starring Sharon Cuneta and Hilda Koronel."

Nakalabas na siya sa Etheria noon, at maski sa Dos, umapir siya bilang suporta sa Sana, Maulit Muli.

"Pero, pinakamarkado so far itong sa Babangon," lahad ni Glydel.

"Nakaganap na ako ng kontrabida roles in the past, kaya pinag-aralan ko itong bagong role ko, at kailangang gawin kong naiiba ito.

"At saka properly motivated kami ni Direk Joel [Lamangan]. Ayaw niya yung maraming mannerisms at malikot ang katawan, kaya yun ang iniingatan ko," dugtong ng aktres.

Nakatrabaho na ni Direk Joel si Glydel sa maraming shows at pelikula, including Glydel's grandslam victory for Sidhi. Nagwagi siya rito as Best Supporting Actress in all the award-giving events.

"Isang bonggang factor nga kaya masaya ako sa role ko ay yung I get to pit talents with Dina, na isa talaga sa hinahangaan kong aktres," sabi pa ni Glydel.