"Magpapa-press conference daw siya this Friday [sa Istanbul, Turkey] at marami raw siyang sasabihin tungkol sa akin. I'm supposed to be worried at magsasalita na naman siya tungkol sa akin," says Ruffa Gutierrez about the scheduled presscon of estranged husband Yilmaz Bektas.

Photo: Emerson Sy


The saga of the Filipina actress turned beauty queen and the Turkish businessman is about to turn nasty again.

 

Umalis na ang asawa ni Ruffa Gutierrez na si Yilmaz Bektas last night, April 7, after a three-day surprise visit to the Philippines last Thursday, April 3. Sa tono ng pananalita ni Ruffa during her recent interviews about her husband, tila okay na ang lahat at ayon pa nga sa titulo ng isang article sa PEP (Philippine Entertainment Portal), they "wish each other happiness." (Click here to read the full article.)

 

Hindi ito ang iniwanan naming eksena nang bumisita kami sa shooting ng My Monster Mom ng Regal Entertainment at GMA Films starring Ruffa and her mother Annabelle Rama, Tuesday night, April 8, somewhere in Quezon City.

 

Nasa isang sulok ng veranda ng location si Ruffa in between takes talking to someone on her cell phone. Habang kapansin-pansin na ang pagka-tense ni Ruffa habang nakikipag-usap sa phone niya, binalak lang naming magpaalam sa kanya but she gently reminded us she's talking "to the father of my kids."

 

Huminto muna sa pakikipag-usap si Ruffa kay Yilmaz para ibalita sa amin kung bakit ganoon siya ka-tense sa phone conversation niya.

 

"Magpapa-press conference daw siya this Friday [sa Istanbul, Turkey] at marami raw siyang sasabihin tungkol sa akin. I'm supposed to be worried at magsasalita na naman siya tungkol sa akin," smiling pa rin pero halata nang teary eyed na sinabi sa amin ni Ruffa.

 

"What? Yes, I'm still here," balik kausap ni Ruffa kay Yilmaz.

 

Nagulat kami kung kaya't nakapag-comment kami na akala namin tapos na lahat ang issue sa kanilang dalawa at nagkapatawaran na nga.

 

"Such an honorable man, 'no?" pa-sarcastic na sagot ni Ruffa sa amin bago niya binalikan si Yilmaz sa phone at bago kami umalis para hindi na siya magambala.

 

Sa Istanbul gaganapin ang press conference ni Yilmaz at hindi pa alam ni Ruffa kung ano na naman ang sasabihin ng kanyang estranged husband.