Emotional para kay Ruffa Gutierrez ang isang linggong nagdaan sa buhay niya. Marami kasi ang naganap sa pagdating ng estranged Turkish husband niya na si Yilmaz Bektas last Thursday, April 3.
"Yeah, it has been a very emotional week for me," umpisa ni Ruffa nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa dressing room niya pagkatapos ng The Buzz.
Alam ba niya beforehand ang plano ni Yilmaz na pagbabalik sa Pilipinas?
"He told me that he'll gonna come here," sagot ng actress-TV host. "Ang sabi niya, ‘I missed my kids. I want to spend 24 hours with them. Ayoko ng interview. Ayoko ng press. Gusto ko private lang and I just want to spend quality time with them.'
"Sabi ko naman, ‘Yilmaz, you know you're more than welcome. Anytime na gusto mong dumalaw sa mga anak mo, dumalaw ka.' Gusto ko naman magkaroon ng magandang samahan, magandang relationship ang mga bata kay Yilmaz. Kasi ayoko naman them growing up thinking their father doesn't love them or wala na yung respeto sa kanilang dalawa. Kung auman ang problema namin ni Yilmaz, hindi ko isinasali ang mga anak namin," lahad niya.
Natuwa ba sina Lorin at Venice nang makita nila ang kanilang "Baba Yilmaz"?
"Ay, super excited!" bulalas ni Ruffa. "I mean, talagang... One time si Yilmaz, naghiwalay lang kami ng car, talagang umiyak na nang umiyak [yung mga bata]. ‘Baba! Baba!' And ako naman, talagang they really missed their dad. Ayoko namang tanggalin ang pagkakataon na yun. Gusto ko naman na maging close sila ng daddy nila, and happy naman yung mga bagets kaya happy na rin ako. Kasi yun naman ang importante, di ba? We're doing everything that we possibly can for the kids."
Kailan sila nagkita at nagkausap ni Yilmaz?
"Actually, when he arrived, hindi kami nagkita," kuwento ni Ruffa. "Nagkita na lang kami the day after and nag-lunch kami. ‘Tapos marami naman ang naging pagkikita namin. Naging maayos naman.
"I hope that we both remain peaceful. Sana wala na yung masasakit na salita. Sana puro magagandang salita na lang, and sana isipin na lang namin na meron kaming dalawang napaka-cute na bagets na kailangan naming maging maayos ang relationship namin kahit hindi kami magkasundo. Kailangan ang focus namin sa dalawang bata.
"Ang usapan namin the other night is more of...nandiyan na yung nag-hug kami, nag-iyakan kami, gusto ko yung ganun. Ayoko nung magkagalit kami ni Yilmaz. Ayoko nung maaanghang pa rin ang sinasabi about each other. He's the father of my kids and even then, minahal din namin ang isa't isa. And up to now, we still love each other so we just know na mahirap for us to live in just one roof."
ANNABELLE'S STATEMENT. Ano ang masasabi niya sa mga pahayag ng mommy niya na si Annabelle Rama sa The Buzz last Sunday tungkol kay Yilmaz? Feeling winner daw si Annabelle dahil nakakuha na ng bagong pag-ibig si Yilmaz, na ang tinutukoy ay ang 2006 Miss Universe na si Zuleyka Rivera Mendoza.
"Actually, nakita ko naman kay Mommy, medyo lumambot na ang puso niya," sabi ni Ruffa. "Kasi nung nagkasakit si Yilmaz the next day, the day after he arrived nagkaroon siya ng lagnat. Siguro naglakad siya or hindi siya sanay sa weather natin.
"Naku, concerned siya [Annabelle]. ‘Sige, sige ‘Day, padala ka ng Advil kay Yilmaz. Kawawa naman.' Talagang concern siya sa kung ano ang gagamiting sasakyan ni Yilmaz. Even though nakikita ko sa kanya parang, ‘O, kinikilig-kilig ka naman diyan, ‘Day. Parang nagtwi-twinkle pa rin ang mata mo?' Protective pa rin siya. But at the same time, ‘Padala mo yung Advil.'
"Lumalambot na ang puso niya, especially nung sinabi ko na nakausap ng mommy ni Yilmaz yung mga anak ko, sina Lorin and Venice. Naiyak yung mommy ni Yilmaz sa phone. So, bilang lola siguro, naramdaman din niya kung ano ang nararamdaman ng mommy ni Yilmaz. ‘Ay, kawawa naman,' sabi niya."
RUFFA'S IN-LAWS. Malapit talaga si Ruffa sa kanyang mga in-laws. In fact, pinadala kay Yilmaz ng ama niya ang regalo nito para kay Ruffa, ang isang set of jewelries—necklace, earrings, ring, and bracelet—na 24K with matching malalaking stones ng princess sapphire. Suot-suot ni Ruffa last Sunday sa The Buzz ang multi-million peso na set of jewelries na ipinadala ng kanyang father-in-law kay Yilmaz.
"Yeah, I think in spite of everything that happened, talagang only wish ko sana I could have said goodbye to the...or sana I could have kissed them man lang before we leave. May nagtanong nga sa akin, ‘If you were invisible for a day what would you do?' I will take the first flight to Istanbul and to be with my in-laws. Kasi throughout the eight years naman that we've been together, talagang nakita ko na tinanggap nila ako, minahal nila ako. And they love me even more than they love Yilmaz at one point.
"Every time na nagkakaroon kami ng pagtatalo, kumakampi sila sa akin. And they really treated me like talagang anak nila ako. They will never take sides. ‘Pag alam nilang mali ako, sinasabihan nila ako. ‘Pag mali si Yilmaz, sinasabihan nila. So, for now, I'm very, very lucky na up to now na talagang minahal ako ng parents ni Yilamz," pahayag ni Ruffa.
YILMAZ'S PRESENTS. Ano ang pasalubong ni Yilmaz kina Lorin at Venice?
"Ang pasalubong niya sa kids, marami siyang biniling mga damit, mga toys. Binili rin niya ng necklace with God's name on it. And he taught the kids, sabi niya, ‘If you really want to wish for something, just close your eyes and touch this necklace and your wish will come true.' So I think ang pinakamagandang gift na ibinigay niya sa mga anak namin is his presence and time as a father. Hindi na yung material things.
"For me naman, ang sabi niya, ang gift niya sa akin is his presence, hello?! Presence daw niya ang gift niya sa akin!" natatawang sabi ni Ruffa.
Bago umalis si Yilmaz, ano ang mensaheng ibinigay niya sa kanyang asawa?
"Sinabi ko na sa kanya face to face, yung parang, you know, be happy. At yun din sinabi niya sa akin, ‘Ruffa, I want you be happy.' So, as of now, maganda ang naging pag-uusap namin," saad niya.
JEALOUSY. Nagselos ba siya kay Zuleyka Rivera?
"No," sagot niya. "I think we have passed this stage na kailangan naming magselos dahil, unang-una, ako naman ang umalis sa Istanbul and, you know, there's no really need para magselos. Ngayon, kung kami pa rin, we live in one house at may ganyang balita, aba, ibang usapan na ‘yon. But right now, I guess there's really no need for him to explain. Ang important naman ngayon is our kids. So, kung sino man ang idini-date niya, I have nothing to do with that."
Mahal pa rin niya si Yilmaz?
"Kahit may pagmamahal o wala, I think it's not the point. Ayoko ring magtanong about his lovelife. Sinabi niyang business partner, e, di business partner, di ba? We can laugh about it right now. Pero yung mahal, hindi mawawala yun. Hindi na importante kung mahal ko ang isang tao o hindi, e.
"It doesn't mean that if you're not with the person anymore, hindi mo na siya mahal. I always love Yilmaz and he will always have a special place in my heart, and he will always be the father of my kids. So I think that we have a peaceful and a good understanding that's gonna benefit our children and their future rather mag-aaway kami, magpapalitan ng masakit na salita. I think we're two responsible adults and we should be careful with our actions."
Bilang legal wife ni Yilmaz, hindi ba siya entitled to certain benefits?
"Alam mo, hindi na importante kung ano pa ang puwede kong makuha sa kanya financially or material na bagay. Ayokong mag-away kami ni Yilmaz tungkol sa mga financial na things. Para sa akin, importante na yung kaya ko namang buhayin ang mga bata. I think sa akin, hindi na ako humihingi para sa sarili ko. Para sa mga anak ko na lang. Yun lang. I think that's fair," pagtatapos ni Ruffa.
