Matinee idol Piolo Pascual puts on the producer's hat in the indie film Manila, where he also plays the lead role. The movie is inspired by Ishmael Bernal's Manila by Night and Lino Brocka's Jaguar.

Photo: Noel Orsal

Napakaganda na naman ng katawan ni Piolo Pascual sa muli niyang pagharap sa press para sa first presscon ng pinakabago niyang Star Cinema movie, kung saan makaka-partner niya si Angel Locsin. Hindi bulky at hindi slim, tamang-tama lang ang pangangatawan niya ngayon at ayon na rin sa top male star of Star Magic, nagpapayat talaga siya para sa pelikula.

"Marami kasing eksena na nagho-horseback [riding] ako so kailangan kong maging light," paliwanag ni PJ, palayaw ng aktor, sa pag-upo sa mesa namin after the hasty question-and-answer portion for the movie kanina, August 27.

Kaka-meeting niya pa lang daw with Star Magic kahapon para pag-usapan ang next TV show niya at masaya siya na next year na siya gagawa ulit.

"Mas gusto ko na kasi ang one movie a year and one show a year para nakakagawa pa ako ng ibang bagay. Sa October, in the middle of the shooting of our movie, aalis muna ako pa States for our Heartthrobs tour. Mabuti nga nagkaroon ako ng break from Lobo and this movie kaya natapos ko ang Manila," saad niya.

Manila is Piolo's third independent movie, which is inspired by the classic  movies directed by two late National Artists, Lino Brocka's Jaguar and Ishmael Bernal's Manila By Night.

Contrary to initial report, hindi pala ito twin-bill kundi one whole story na mangyayari sa isang buong araw and directed by two directors—Raya Martin for the morning sequence na Manila By Night at Adolf Alix for the night sequence na Jaguar.

Hindi magkakaroon ng putol ang pelikula ngunit magkakaroon ito ng break sa gitna na kaisa-isang sequence na colored. Shot in black and white 16 mm ang buong pelikula—hindi ito digital—at ibu-blow up na lang sa 35 mm. Sa gitna ilalagay ang credits kung saan may special participation sina Iza Calzado, Jon Avila, and director Lav Diaz. Ito lang ang colored sequence ng Manila.

Proud si Piolo na hindi ito basta-bastang indie movie dahil bukod nga sa film ang ginamit nila, malalaki ang mga makakasama niya na pang-big budget mainstream movie na rin.

"Sa Manila by Night, kasama ko si Osang [Rosanna Roces] na gumaganap na ina ko. Si William [Martinez] isinama namin dahil isa siya sa original cast ng movie, ‘tapos nandito rin si Aleck Bovick. Ako ang gaganap ng original character ni William. Sa Jaguar naman, makakasama ko sina Alessandra de Rossi, Jay Manalo, Jiro Manio, at si Anita Linda na nasa original Jaguar movie naman."

Masaya ring ibinalita ni Piolo na susuportahan ito ng Star Cinema at malamang na sila ang magre-release ng pelikula.

"Kinausap ko na si Tita Malou [Santos of Star Cinema] at pumayag silang maging media partner ng movie. Susuportahan daw nila talaga ang movie kaya happy ako," sabi ni Piolo.

Ang balak ni Piolo, i-submit ito sa Berlin International Film Festival next year, ngunit kung hindi aabot baka mauna muna ritong ipalabas ang pelikula. Pero definitely not November dahil ito ang playdate ng Star Cinema movie nila ni Angel, kaya't malamang ay next year na rin.