Aga Muhlach (middle) will be very busy in the next few months shooting movies. He is paired with Regine Velasquez (left) for the third time in Of All The Things and he will also do a movie with Angel Locsin (right) for the first time.

Photo: Noel Orsal

Kasalukuyang nasa kasagsagan ng shooting sina Aga Muhlach at Regine Velasquez sa comeback movie nilang Of All The Things under Viva Films, directed by Joyce Bernal.

Si Direk Joyce din ang director ng past Aga-Regine films na Dahil May Isang Ikaw (1999) at Pangako... Ikaw Lang (2001), na pareho ring handog ng produksiyon ni Boss Vic del Rosario.

Paano nga ba nagsimula ang idea na gumawa sila ng comeback movie after eight long years?

"I got a call from Boss Vic, and on the other line sabi niya, 'O, Ags, gawa na tayo ng pelikula.' Sabi ko, sige, game!' Gano'n lang," masayang kuwento ni Aga sa SNN taped interview noong Martes, November 3.

Sabi naman ni Regine, nandoon pa rin ang chemistry nila ni Aga bagamat nag-mature na sila pareho.

"Lahat kami, nag-mature na rin. So, may kanya-kanya na kaming  working habits na tinatanggap ng isa't isa. It's very relaxed [on the set], actually," aniya.

Mula taong 2001, ang dami nang nangyari sa mga personal na buhay ng dalawang big stars. Nanatiling masaya ang family life ni Aga with wife Charlene Gonzalez and their twins, samantalang ang Asia's Songbird naman ay may minamahal nang Ogie Alcasid.

Ano ang nadiskubreng bago ni Aga sa leading lady?

"Ang nadiskubre ko sa kanya... Meron siyang mga, 'Kasi nga, sabi nga ni Honey nga, e.' Hooooo!" tawa ng aktor. "Tapos, 'I'll do it for you, ha? Magluluto ako, ganyan-ganyan...' May sarili na siyang... Siyempre, sa kanila ni Ogie... Sabi ko, 'Iba ka na!'"

Dahil may Ogie Alcasid nang boyfriend si Regine, mas matindi na ba ang limitasyon ni Regine pagdating sa love scenes nito, particular na sa Of All The Things?

"Hindi naman na nadagdagan ang limitations ko just because I'm in a relationship," paglilinaw ni Regine. 

Maiinit pa rin ba ang kissing scenes nila?

"Oo. Kasi, hindi naman ako 16... Parang bumaligtad naman kung kailan tumanda ako, saka pa ako nagpaka-demure?" diretsong sabi ni Regine.

Ayon naman kay Aga, "Sinabi ko nga kay Reg [tawag nito sa singer-actress], 'A, ikaw ha, pag nag-kiss ka ngayon, parang magaling ka na, ha!' Hahaha! Joke lang, ha!"

FIRST MOVIE WITH ANGEL. Ibinalita rin ni Aga na after ng movie niyang ito with Regine, tuloy na rin ang paggawa niya ng bagong movie with Lea Salonga. Hindi pa lang malinaw sa ngayon kung Star Cinema rin ang gagawa.