The actor-model didn't know that director Cathy Garcia-Molina initially didn't want him for the lead role, but he eventually won her over. "Noong last taping namin, sinabi niya, 'Raf, may aaminin ako sa 'yo.' Sabi ko, 'Sige, game, Direk.'  Sinabi niya, 'You proved yourself to me and you're a wonderful person and I respect you as an actor. Mali lang ang first impression ko sa 'yo.'"

 

Photo: Noel Orsal

Last year pa nagkaroon ng story conference para sa Precious Hearts Romances Presents Midnight Phantom na magtatampok sa tambalan nina Rafael Rosell at Denise Laurel. Pero ngayong July 12 pa lamang ito magpa-pilot after ng Panahon Ko 'To sa ABS-CBN.

Hindi rin siya kapalit ng present PHR series na Impostor. Mag-o-overlap lang ang dalawang serye na pawang hango sa PHR pocketbooks na sulat ni Martha Cecilia.

Nagpa-presscon ang serye sa 14th floor ng ELJ Building ng ABS-CBN last Thursday, July 8, at ayon kay Rafael na gaganap sa title role ng Midnight Phantom, pati siya'y nagulat na ipalalabas na nga ang serye.

"Akala namin after pa ng Kristine series, pero, yun pala, ngayon na. So, bugbog na sa promotion and siyempre, kinakabahan, the pressure's on us din.  We just keep praying that people will like and enjoy it."

Medyo mahirap daw para sa kanila ni Denise dahil magkasabay nilang ginagawa ito at ang ipalalabas na Kristine, na pang-primetime ng PHR.

"But when you're having fun," sabi naman ni Rafael, "hindi mo naman mararamdaman ang pagod, puyat."

"DUKOT KING." Isa si Rafael sa umani ng maraming pansin sa underwear fashion show ng Bench na Uncut last July 2 sa Araneta Coliseum, dahil hindi lang siya rumampa na naka-brief. Sa bandang huli ay ipinasok pa niya ang kamay niya sa underpants kung kaya't "Dukot King" na ang bangsag sa kanya ngayon.

Ganoon di ba siya ka-sensual bilang si Midnight Phantom?

"It's a noontime show. I mean, limitado talaga kung ano ang maipapakita namin. Hindi ko naman sinasabing gusto kong ipakita, pero, para sa akin kasi, trabaho lang.  Actually, to be honest, nag-e-enjoy ako run sa fact that people are amazed with nudity. Para sa akin kasi, we're born naked, so why do we hide it?"

Yung ginawa niya sa Bench, plinano ba niya yun para mas maka-stir ng interest ng audience?

"Hindi, e, that's spur of the moment... Ang daming nagtatanong sa akin, a year ago and, of course, moments before the show, 'Anong gagawin mo this time?' This time naman, I really didn't have an answer.  I just know na Brazil ang theme at mag-a-underwear ako. It was just a spur of the moment talaga, the dukot..." natatawa niyang sabi.

Dugtong pa niya, "Sa Bench fashion show naman, bawat artista naman, nabibigyan ng pagkakataon para mag-shine ang artista. It's just spur of the moment kaya ang naiisip ko lang, mag-enjoy lang doon."

NOT READY FOR ANOTHER RELATIONSHIP. Halos araw-araw na raw silang magkasama ni Denise dahil sa dalawang seryeng pinagtatambalan nila. Sa presscon, nabuko na "Boogie" ang tawag ni Denise sa kanya. Sa dalas ng pagsasama nila, di kaya may ma-develop sa pagitan nila?