"Parang one year 'ata itong natigil, nakakatawa nga, e! Pero exciting pa rin naman kasi balik-tambalan pa rin namin ni Aga. Pero at the same time, nalito ako. Nakalimutan ko na. No'ng binabasa ko yung script... Alam ko yung story, pero hindi ko na alam yung pangalan ko, yung pangalan ni Aga," says Regine Velasquez about shooting again for her movie with Aga Muhlach.

Photo: Noel Orsal

Nakapagsimula na uli ng shooting ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez sa reunion movie nila ni Aga Muhlach sa Viva Films na idinidirehe ni Joyce Bernal. Ito ang kanilang ikatlong pagtatambal pagkatapos ng Dahil May Isang Ikaw (1999) at Pangako Ikaw Lang (2001).

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Regine sa shooting ng pelikula sa Eastwood, Libis, Quezon City last week, hindi napigilan ng singer-actress na matawa habang ikinukuwento ang first shooting day nila pagkatapos nilang mag-resume.

Dahil daw sa tagal na natigil ito, may mga nakalimutan na siyang mga importanteng detalye sa movie.

"Parang one year 'ata itong natigil, nakakatawa nga, e!" tawa niya. "Pero exciting pa rin naman kasi balik-tambalan pa rin namin ni Aga. 

"Pero at the same time, nalito ako. Nakalimutan ko na. No'ng binabasa ko yung script... Alam ko yung story, pero hindi ko na alam yung pangalan ko, yung pangalan ni Aga. 

"Kasi, nanggaling na rin ako sa ilang mga soaps. Ang daming pangalan na kailangan kong kabisaduhin doon. Tapos, mayroon akong Mrs. Recto [her first indie film] na nangangabisado rin ako ng names. 

"Tapos pagdating dito, yung dapat kong kabisaduhing names, nakalimutan ko na. Mahina ako sa pangalan. 'Sino na nga ba ako uli?' Nakalimutan ko!

"Kilala ko pa yung character. Yung pangalan lang. Actually, funny kasi nanggaling na ako sa dalawang roles, e," sabi ni Regine.

DIFFERENT CHARACTERS. Ang tinutukoy na roles ng Asia's Songbird ay bilang Sam/Sampaguita sa kantaserye ng GMA-7 na Diva sa GMA-7, at ang title character sa indie film na Mrs. Recto.

"Yung isang role [sa Diva], medyo mahirap, insecure. Yung isa naman, sa indie movie ko, butangera naman na ewan. So, hindi ko nga alam kung paano ko na-retain yung character ni Berns, e," sabi ni Regine tungkol sa pangalan niya sa pelikula nila ni Aga.

Bagamat magkaiba ang role na ginagampanan ni Regine sa movie niya with Aga at sa first indie movie niya, hindi naman daw siya nahirapan na mag-switch ng mga papel.

"Actually, yung role nilang dalawa, may similarity ng konti. Konting-konti lang.

"Actually, okey na 'etong dalawang pelikula ang nag-ovelap kaysa doon sa soap [Diva]. It would have been harder.

"Kasi dapat habang nagsu-soap ako, sinu-shoot ko ito [pelikula nila ni Aga]. Kaya lang, hindi na rin pumuwede si Aga. Hindi na rin nagtagpu-tagpo ang schedules namin. It would have been harder. 

"Dito kasi, ang character ko, punung-puno ako ng self-confidence. Sa Diva, wala akong self-confidence, e. So, parang ino-on mo ang sarili mo.