"Loyal po talaga ako sa GMA kasi since po pagkabata ko nandito na ako. Dito na ako lumaki. Dito ko na nadaanan yung proseso ng paghihirap, yun pong hirap at ginhawa. Dito na po ako naka-experience ng ganun," says Renz Valerio.

Photo: Wilson Chua

Sa murang edad na 12 years old, alam na ng Kapuso child actor na si Renz Valerio ang kahulugan ng pagiging loyal sa pinagtatrabahuhang TV station.

"Since five years old po, nasa GMA na ako. Masaya po ako na Kapuso ako.

"Loyal po talaga ako sa GMA kasi since po pagkabata ko nandito na ako. Dito na ako lumaki.

"Dito ko na nadaanan yung proseso ng paghihirap, yun pong hirap at ginhawa. Dito na po ako naka-experience ng ganun," pahayag ni Renz.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Renz sa presscon ng bagong early primetime teleserye ng GMA-7 na Futbolilits, last June 28 sa Studio 7 ng GMA Network Center.

Ipinanganak noong November 10, 1998, si Renz ang bunso sa dalawang magkapatid.

Nagsimula ang kanyang showbiz career bilang TV commercial model hanggang sa kunin siya ng QTV11 para pagbidahan ang soap na Noel noong 5 years old siya.

Naging GMA Artist Center talent si Renz at nagtuluy-tuloy na nga ang career niya bilang Kapuso.

Ilan sa mga shows na ginawa niya sa GMA ay ang mga sumusunod: Bantatay, Muli, Joaquin Bordado, Diva, All My Life, at Darna.

Naging host din siya sa kiddie show na My Chubby World Loaded.

FUTBOLILITS. Ngayon ay isa si Renz sa mga batang bida ng Futbolilits, kasama sina Yogo Singh, Isabel "Lenlen" Frial, at Julian Trono.  

Ginagampanan ni Renz ang role ni Sherwin, isang batang-kalye na marunong dumiskarte sa football at sa buhay.

"Nagpapasalamat po ako sa GMA na isinama ako sa cast ng Futbolilits," sabi niya.

"Sa tingin ko po, talagang bagay po ito sa akin dahil mahilig po ako sa sports.

"Dahil po sa Futbolilits, nakahiligan ko na rin po yung football.