''Iba yung treatment sa 'yo ng tao. Iba yung binigyan ka ng ganitong kalaking project. Siyempre, may kasamang pressure, kaba, pero exciting. Kaya first time, alam mo yun? Iba, iba talaga. Kahit nagte-taping kami four times a week, four times straight, 4 a.m. na ha, hindi pa kami pack up, nagtatawanan pa rin kaming lahat. Alam mo yung ganoon?" says Nadine Samonte about working in her first drama series on TV5.

 

Photo: Noel Orsal

Naging emosyunal at hindi napigilan ni Nadine Samonte ang maluha nang magpasalamat na ito sa press conference ng bago at kauna-unahan niyang dramaserye sa TV5, ang The Sisters.

Obviously, na-touch si Nadine sa pag-welcome at pagbibigay halaga sa kanya ng Kapatid network sa isang engrandeng presscon na ginanap sa C3 Events Place sa Greenhills, San Juan.

Ayon kay Nadine, "Sobrang saya po at sobrang nakaka-excite po sa mga susunod na mangyayari."

Nadine was also asked during the prescon proper, na posibleng may offer din ang young actress mula sa ABS-CBN kung saan siya nagsimula bago napunta sa GMA-7, pero ano ang nag-udyok sa kanya na sa TV5 magpa-kontrata?

"First of all, like what I said po sa Paparazzi, I wanted to grow sa network. So, yun po. Yun po ang masasabi ko.

"Habang bata po ang network, parang ang sarap po sa feeling na habang naggu-grow sila, naggu-grow rin po ako."

Ibig bang sabihin nito ay hindi siya nag-grow sa pinanggalingan niyang network?

Sabi naman ni Nadine, "Nag-grow naman po ako sa GMA-7. Pero parang moving on po in life.

 "Kuntento naman po ako sa ibinigay ng network before. Happy naman po ako.

"Hindi naman po ako magiging Nadine Samonte kung hindi dahil sa kanila."

Naitanong din kay Nadine kung may kinalaman ba sa naging desisyon niya ng paglipat sa TV5 ang diumano'y seryeng pagbibidahan sana niya sa GMA-7, pero sa bandang huli ay napunta kay Bianca King—ang Sinner or Saint?

"Yun po ang hindi ko alam kung ano ang nangyari. Hindi ko po alam ang balitang yun. Hindi po nakarating sa akin," sagot ng StarStruck alumna.

IBA ANG FEELING. Nang makausap na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadine, tinanong namin siya kung bakit bigla siyang naging emosyunal at naiyak nang magpasalamat, lalo na sa mga taga-TV5 and the staff of her new show?

"Kasi, iba yung... Ewan ko, iba yung feeling. Iba yung treatment sa 'yo ng tao. Iba yung binigyan ka ng ganitong kalaking project.