Nadine Samonte gets emotional at the launching of her first dramaserye on TV5

’’Iba yung treatment sa ’yo ng tao. Iba yung binigyan ka ng ganitong kalaking project. Siyempre, may kasamang pressure, kaba, pero exciting. Kaya first time, alam mo yun? Iba, iba talaga. Kahit nagte-taping kami four times a week, four times straight, 4 a.m. na ha, hindi pa kami pack up, nagtatawanan pa rin kaming lahat. Alam mo yung ganoon?" says Nadine Samonte about working in her first drama series on TV5.

<


Naging emosyunal at hindi napigilan ni Nadine Samonte ang maluha nang magpasalamat na ito sa press conference ng bago at kauna-unahan niyang dramaserye sa TV5, ang The Sisters.

Obviously, na-touch si Nadine sa pag-welcome at pagbibigay halaga sa kanya ng Kapatid network sa isang engrandeng presscon na ginanap sa C3 Events Place sa Greenhills, San Juan.

Ayon kay Nadine, "Sobrang saya po at sobrang nakaka-excite po sa mga susunod na mangyayari."

Nadine was also asked during the prescon proper, na posibleng may offer din ang young actress mula sa ABS-CBN kung saan siya nagsimula bago napunta sa GMA-7, pero ano ang nag-udyok sa kanya na sa TV5 magpa-kontrata?

"First of all, like what I said po sa Paparazzi, I wanted to grow sa network. So, yun po. Yun po ang masasabi ko.

"Habang bata po ang network, parang ang sarap po sa feeling na habang naggu-grow sila, naggu-grow rin po ako."

Ibig bang sabihin nito ay hindi siya nag-grow sa pinanggalingan niyang network?

Sabi naman ni Nadine, "Nag-grow naman po ako sa GMA-7. Pero parang moving on po in life.

"Kuntento naman po ako sa ibinigay ng network before. Happy naman po ako.

"Hindi naman po ako magiging Nadine Samonte kung hindi dahil sa kanila."

Naitanong din kay Nadine kung may kinalaman ba sa naging desisyon niya ng paglipat sa TV5 ang diumano’y seryeng pagbibidahan sana niya sa GMA-7, pero sa bandang huli ay napunta kay Bianca King—ang Sinner or Saint?

"Yun po ang hindi ko alam kung ano ang nangyari. Hindi ko po alam ang balitang yun. Hindi po nakarating sa akin," sagot ng StarStruck alumna.

IBA ANG FEELING. Nang makausap na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadine, tinanong namin siya kung bakit bigla siyang naging emosyunal at naiyak nang magpasalamat, lalo na sa mga taga-TV5 and the staff of her new show?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, iba yung... Ewan ko, iba yung feeling. Iba yung treatment sa ’yo ng tao. Iba yung binigyan ka ng ganitong kalaking project.

"Siyempre, may kasamang pressure, kaba, pero exciting. Kaya first time, alam mo yun? Iba, iba talaga.

"Kahit nagte-taping kami four times a week, four times straight, 4 a.m. na ha, hindi pa kami pack-up, nagtatawanan pa rin kaming lahat. Alam mo yung ganoon?"

Wala ba siyang ganoong feeling sa dati niyang network?

"Ano ba? Ano ba ang masasabi ko? Well, sa kabila kasi, iba ang pagwo-work nila do’n kesa dito, e, parang masyadong hindi ganoon ka-light, hindi ganoon kabigat.

"Something like that... Hindi ko ma-explain. Iba ang feeling, e... Basta, iba ang feeling.

"Parang kunwari, bigyan ka ng isang milyon or isang sasakyan, kulang yun, e, sa ibinibigay nilang happiness."

THE RIGHT CHOICE. Sa araw-araw simula nang maging Kapatid siya, nararamdaman ba niya at nako-convince ang sarili niya that she really made the right choice?

"Yes!" sambit ni Nadine.

"Kaya nga nasabi ko, di ba, I’m proud to be a Kapatid."

Para kay Nadine, naniniwala siyang she didn’t burn any bridges sa naging paglipat niya.

"Hindi naman," sabi niya.

"Tapos na ang contract ko atsaka nagawa ko na rin naman po ang part ko."

Para kay Nadine, wala na raw siyang hinanakit.

"Hinanakit, wala na. Siguro dati, meron. Pero nawala kaagad, e.

"Kasi, parang iisipin ko pa ba ang hinanakit, hindi na," nakangiti niyang sabi.

Ang The Sisters ang papalit sa timeslot ng Babaeng Hampaslupa na magtatapos na this week.

May pressure bang nararamdaman si Nadine na isang matagumpay na dramaserye ang papalitan niya?

"Opo, opo. Sobra! Nakakatakot siya.

"Pero nandiyan sila, e. Lahat sila nakaano sa akin na parang ’kaya mo.’

"So, hindi ka matatakot na ibigay lahat ng best mo kasi lahat sila, nakasuporta sa ’yo, nakaabang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang makikita mo na napu-push ka nila in the way na for the best."

OLD ISSUE. Nagulat naman si Nadine na may mga nagtatanong pa rin sa kanya kung nagkabalikan sila ng non-showbiz boyfriend niyang si Emerson Chua.

Last year pa raw sila naghiwalay, pero two weeks lang daw at nagkabalikan din agad sila.

Masaya rin daw ang boyfriend niya na isa na siyang Kapatid.

"Supportive siya, as in," nakangiti niyang sabi.

Tinanong ng PEP si Nadine kung sa palagay niya ay nakaapekto ang pagkakaroon niya ng longtime non-showbiz boyfriend kaya hindi masyadong bumongga ang career niya sa GMA-7 noon.

"Actually, it’s not the reason, e," sagot niya.

"Kasi, ang dami namang artistang may boyfriend.

"Like si Marian [Rivera], may boyfriend siya dati na non-showbiz, pero paano siya umangat?

"It’s not that, e. Kaya hindi ko masasabi na yun ang dahilan or harang para sa pagsikat mo.

"For me, it’s the time talaga, e. Kung kailan ka magsa-shine at kung kailan ka bibigyan ng opportunity at kung kailan ka siguro handa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN