Mercedes Cabral won't confirm or deny allegations that Coco Martin's private part was computer-enhanced in Serbis.

Photo: Noel Orsal

Pang-100 sa ranking ng FHM 100 Sexiest Women in the World si Mercedes Cabral, kaya siya ang unang ipinakilala sa nakaraang victory party ng nasabing adult men's magazine last Thursday, June 14, na ginanap sa World Trade Center.

Nakilala sa indie films si Mercedes, gaya ng Kinatay at Serbis. Labis na ikinatuwa ng aktres ang pagkakasama niya sa listahan ng naturang poll.

"Hindi ko nga ini-expect na makakasama ako," nakangiti niyang bungad sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya. 

"First time. First time na makasama sa list of nominations para makapasok sa top 100. So, talagang nagpasalamat ako.

"Kasi, yung mga tao ang bumoto sa iyo para makasama sa listahan."

Tatlong beses na raw siyang nag-pose para sa FHM, pero puro inside pages lang ang ginawa niya.

"Laging [isa sa] featured girls lang ako," banggit niya.

Inaasahan ni Mercedes na may magagawa sa kanyang showbiz career ang pagkakapasok niya sa listahan ng 100 Sexiest ng FHM.

"Maganda ang pasok ng taon ko kasi sunud-sunod yung projects. Ang daming opportunity na dumarating. 

"Hopefully, mapansin na talaga ako ng marami dahil sa FHM," saad niya.

THIS IS ME. Para mas makilala si Mercedes ng marami, dinetalye niya kung saan siya nagsimula.

"Tatlong taon din po ako sa indie films din talaga, e. Doon ako natuto. Ang dami kong experience sa indie films talaga. 

"So, first time kong magkaroon ng mainstream project ngayon sa ABS-CBN. Yung Hiyas, kasama ko si Zanjoe (Marudo) at si Megan (Young).

"Hopefully, this month ma-air na siya."

Excited si Mercedes sa tatahaking bagong level ng career niya sa telebisyon. Wala raw siyang ideya kung ano ang naging basehan ng Kapamilya network at kinuha siya para sa isang project.