Mercedes Cabral recounts controversial sex scene with Coco Martin in Serbis

Mercedes Cabral won’t confirm or deny allegations that Coco Martin’s private part was computer-enhanced in Serbis.


Pang-100 sa ranking ng FHM 100 Sexiest Women in the World si Mercedes Cabral, kaya siya ang unang ipinakilala sa nakaraang victory party ng nasabing adult men’s magazine last Thursday, June 14, na ginanap sa World Trade Center.

Nakilala sa indie films si Mercedes, gaya ng Kinatay at Serbis. Labis na ikinatuwa ng aktres ang pagkakasama niya sa listahan ng naturang poll.

"Hindi ko nga ini-expect na makakasama ako," nakangiti niyang bungad sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya.

"First time. First time na makasama sa list of nominations para makapasok sa top 100. So, talagang nagpasalamat ako.

"Kasi, yung mga tao ang bumoto sa iyo para makasama sa listahan."

Tatlong beses na raw siyang nag-pose para sa FHM, pero puro inside pages lang ang ginawa niya.

"Laging [isa sa] featured girls lang ako," banggit niya.

Inaasahan ni Mercedes na may magagawa sa kanyang showbiz career ang pagkakapasok niya sa listahan ng 100 Sexiest ng FHM.

"Maganda ang pasok ng taon ko kasi sunud-sunod yung projects. Ang daming opportunity na dumarating.

"Hopefully, mapansin na talaga ako ng marami dahil sa FHM," saad niya.

THIS IS ME. Para mas makilala si Mercedes ng marami, dinetalye niya kung saan siya nagsimula.

"Tatlong taon din po ako sa indie films din talaga, e. Doon ako natuto. Ang dami kong experience sa indie films talaga.

"So, first time kong magkaroon ng mainstream project ngayon sa ABS-CBN. Yung Hiyas, kasama ko si Zanjoe (Marudo) at si Megan (Young).

"Hopefully, this month ma-air na siya."

Excited si Mercedes sa tatahaking bagong level ng career niya sa telebisyon. Wala raw siyang ideya kung ano ang naging basehan ng Kapamilya network at kinuha siya para sa isang project.

"Actually, hindi ko talaga alam kung paano sila nagkaroon ng ideya. Tinawagan nila ako.

"Sabi, ’May mainstream project ngayon. May bago ang Precious Hearts Romance, puwede ka ba?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, in-explain nila yung role. Nagulat talaga ako kasi ang bigat no’ng [role]. Ang laki no’ng role na ibinigay nila sa akin.

"Kahit hindi pa ako gano’n kilalang tao sa mainstream, maganda yung role na ibinigay nila sa akin.

"Pero sa tingin ko, nakatulong yung paggawa ko ng mga indie films.

"Nakita siguro nila doon kung ano yung maibibigay ko acting-wise," kuwento niya.

Inaasahan ni Mercedes na malilinya siya sa character at sexy roles dahil na rin sa mga ginawa niya sa indie films at sa pagpu-pose niya sa FHM.

"Doon rin kasi ako talaga nag-start before. So, ang nangyayari, nakakahon na talaga ako.

"Parang binabalanse ko rin naman ngayon. Tinitingnan ko rin kung sino yung director at kung ano yung script.

"Kung okey sa akin ang script at may bed scene kunwari, tinatanong ko rin kung ano ang kuneksyon ng bed scene na ito, ’Kailangan ba talaga ito?’ Doon ko tinitingnan," paliwanag niya.

PRIVATE PART. Maituturing na ang pinakagrabeng nagawa raw niyang pagpapa-sexy ay sa pelikulang Serbis na pinagbidahan ni Coco Martin at na idinirehe ni Brillante Mendoza.

Ito rin ang kontrobersyal na pelikulang nakitaan ng kanyang private part si Coco sa love scene nito kay Mercedes.

"Yes," pagkukumpirma ng aktres. "Mero’n ngang isyu na nagkaroon nga ng gano’n.

"Yun, yung may pigsa siya and yun rin ang karakter niya."

Inamin na ni Coco na siya talaga ang gumawa ng eksenang nabanggit, pero nahihiya pa rin si Mercedes na idetalye kung ano ang nakita niya noong kinukunan ang eksena.

"Hindi ko pa masasabi ’yan. Sinagot na niya, e. So, okey, wala na akong sasabihin pa!" natatawa niyang sambit.

Kita sa pelikula at sa still shots ang private part ni Coco. Naloka ba siya sa eksena nila ni Coco?

"A, trabaho siya, e. Parang ang sa amin lang, tapusin na lang natin itong eksena na ito at gawin na lang nating maayos. So, ayun," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya nailang dahil nakadikit sa kanyang katawan ang isang bagay mula kay Coco?

"Nailang siyempre!" natatawang pagkumpirma ni Mercedes.

"Sobrang hindi naman mawawala yun na kakabahan ka na ganito yung eksena.

"Pero mas tinitingnan ko kasi siya, yung lalim ng eksenang iyon. So, gano’n."

Marami ang nagdududa sa nalantad na private part ni Coco. Sinasabing computer enhanced na raw iyon.

Tinanong namin si Mercedes kung ano ang reaksiyon niya sa mga opinyon na ito ng mga nakapanood na sa Serbis.

"A, pinag-usapan po namin nina Coco at ni Direk Dante na talagang sa amin na lang kung ano ang mero’n," sabi niya.

Hindi daw lahat ay nainggit sa sitwasyon niya nang kunan nila ni Coco ang kanilang love scene sa pelikula.

"Marami rin ang nagalit. May mga nagalit rin. Sinasabi ko nga, trabaho lang naman yun," sabi ni Mercedes.

Hindi ba siya "naapektuhan" kay Coco matapos ninyong gawin ang eksena?

"A, siyempre, sobrang guwapo ni Coco, di ba? Hindi naman mawawala yung attraction.

"Nagkaroon rin ako ng crush sa kanya. Pero, hanggang doon lang yun. Wala na," sabi niya.

Bilang pagpapatunay na propesyunal ang naging samahan nila ni Coco, hindi na raw umabot sa nag-date pa sila ng aktor.

"Friends lang talaga. Okey naman kami. Okey naman yung relasyon namin ni Coco bilang co-worker at bilang friends. Ganun din yung kay Direk Dante."

Hindi gaya ni Coco, boobs lang ang nakita kay Mercedes sa love scene nila.

"Hanggang boobs area lang ako. Ginawa ko lang kung ano ang dapat gawin bilang artista," sabi niya.

WORK WITH COCO, ETC. Ngayong nasa bakuran na siya ng ABS- CBN gaya ni Coco, inaasam ni Mercedes na makakatrabaho niya sa isang TV project ang aktor.

"Sana. Kasi, dahil nakasama ko siya sa indie, alam ko kung ano yung kapasidad niya sa acting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang ang sarap niyang katrabaho. Give and take ’yan, e. So, alam mo yun?

"Sobrang galing niyang sumuporta. Nagbibigay siya para hilahin kang pataas. Ayun!

"At saka gusto ko ring makatrabaho si Jericho Rosales," dugtong niya.

"Hindi ko pa siya nami-meet, e, kaya gusto ko siyang makatrabaho. Saka si John Lloyd Cruz... Ang galing nilang mga artista talaga."

Hindi iniisip ni Mercedes na magkakaroon sila ng sapawan, o patalbugan sa acting ng mga Kapamilya young actresses sa mga susunod niyang projects sa ABS-CBN.

"Hindi naman siguro. Magkaiba ang acting sa indie at mainstream TV. Kahit ako nag-a-adjust sa acting na pang-TV.

"Hindi kasi ako sanay sa acting sa TV talaga. Nag-aaral pa rin po ako at nag-a-adjust."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN