Bago pumasok noon si Baraon Geisler sa isang rehabilitation center to cure his alcoholism, tumatak ang sinabi niyang, "I'll be back not as a better actor but as a better person."
At sa ngayon, unti-unti ay kanyang pinatutunayan na kaya niyang magbago.
"Sineryoso ko talaga 'yong rehab," sabi niya during a recent interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
"Hindi 'yong nagpunta lang ako doon para magpahinga. At para magka-career ako paglabas ko, or magka-project.
"I went there for self-improvement talaga."
Six months and three weeks daw ang itinagal niya sa loob ng rehab. 'Yong first two months daw ang pinakamahirap for him.
"Naglilinis ako ng toilet bowl. Gumigising ako nang maaga para magluto ng pagkain for 15 persons... Ako lahat 'yon.
"Magsasangag ng kanin. Magpiprito ng itlog. Maggigisa ng corned beef."
DREAM FOR HIS MOM. Sa panahong iyon na nahihirapan siya, sumagi ba sa isip niyang mag-quit at lumabas na lang at huwag nang ituloy ang kanyang pagpapa-rehab?
"Never. Never. E, ako naman, I was never a quitter.
"Pero 'yon lang... I was weak. So, kumukuha ako ng lakas dati sa alcohol, e.
"Now, I get my strength from the Lord."
Sino ba ang naging inspirasyon niya para mapanindigan na ang pagbabagong-buhay na dati'y ilang beses niyang tinangka, pero hindi niya magawa-gawa?
"'Yong mga taong nakasama ko sa loob ng rehab. 'Yong mga Christians na minahal ako at laging nagdarasal para sa akin.
"Also, my mom. And hopefully, I'll get her a house soon. Iyon ang pinangarap ko for her."




0

