Yasmien Kurdi withdraws case against Baron Geisler after the actor apologized to her

Yasmien Kurdi on why she decided to withdraw her case against Baron Geisler: "Parang hindi niya yata kaya na mag-sorry siya. Pero ngayon, at least nakita naman natin ang pagsu-sorry niya and everything, at tinatanggap niya ang kamalian niya. Hindi naman ako nagmukhang sinungaling or something, babae pa naman ako. Masaya ako ngayon. Masaya ako na nawala ang tinik sa dibdib na okay na."


Nagkasundo na sina Baron Geisler at Yasmien Kurdi na magkaayos na lang at hindi na ituloy ang kasong Acts of Lasciviousness na isinampa ng aktres laban sa aktor.

Nagkaharap ang dalawa sa kanilang presscon kagabi, October 11, na ginanap sa may Pepeton’s restaurant, Sct. Borromeo, Quezon City.

Bago nagbigay si Baron ng public apology para kay Yasmien, ikinuwento muna ng abugado ni Baron na si Atty. RP Santiago na napag-usapan nila na magkasundo nang magkita sila sa huling hearing ng naturang kaso.

Sinabi naman ng abugado ni Yasmien na si Atty. Ferdinand Topacio, na willing na silang makipag-ayos kung magbibigay lang ang aktor ng public apology.

Natuwa naman si Atty. Topacio dahil doon mismo ay ginawa raw ni Baron ang kanyang apology at ipinakita ito sa kanya.

BARON’S APOLOGY. Narito ang kabuuan ng public apology ni Baron na binasa nito sa presscon kagabi:

"I am sorry for the misunderstanding between me and Yasmien Kurdi that brought about the filing of the criminal charges against me before the Municipal Trial Court of Bocaue.

"As many of you already know, I just finished my rehabilitation program for my alcohol problem.

"My stay at the facility allowed me to reflect and learn from my experiences in life.

"It is time to start a new leaf in my life.

"Thank you."

YASMIEN’S STATEMENT. May inihanda ring sagot si Yasmien bilang sagot sa apology ni Baron.

"As a Christian, I accept the apology of Mr. Baron Geisler.

"I will pray that he has truly been totally rehabilitated and that he will no longer repeat with anyone the unfortunate acts that have led in my filing of the charges against him.

"As the Apostle Luke said in Chapter 17, the Verse is 4: ’Take heed to yourselves: If thy brother trespass against thee, rebuke him; and if he repent, forgive him.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mr. Geisler has been sufficiently rebuked, and now that he appears here repentant, I forgive him.

"It is time for me to leave this sordid affair behind me and move on.

"I thank those who have stood by me during these trying times, including my family, friends in show business, my brethren in the Iglesia ni Cristo, and my lawyer, Brother Ferdinand Topacio, for their unwavering support.

"I wish Mr. Baron Geisler all the best in his efforts to make a new life for himself and his career."

AFFIDAVIT OF DESISTANCE. Nagkamayan sina Yasmien at Baron pagkatapos nilang binasa ang kanilang statement.

Ipinaliwanag na rin ng abugado ni Yasmien na sa susunod na buwan, kung saan naka-schedule ang kanilang hearing, doon nila isusumite ang affidavit of desistance para maiurong na ang kasong isinampa ni Yasmien laban kay Baron.

Magsusumite rin ng affidavit of desistance si Baron dahil may kontra-demanda rin ito laban kay Yasmien.

CHANGED MAN. Ayon kay Baron, "Very thankful po ako na napansin naman ho nila ang pagbabago ko.

"Mahirap lang kasi magsalita, o mag-claim na nagbago na ang isang tao, but sobrang natuwa po ako nung nag-hearing po kami.

"Nag-usap po kami ni Atty. Ferdie [Yasmien’s lawyer], na-touch po ako talaga nang sinabi niyang tinatanggap na nga po ang aking apology.

"At sinabi nga niya po na maaliwalas daw po ang mukha ko at mukhang nagbago na nga daw po talaga ako.

"So, I’m very grateful na mahirap po na manggaling sa akin.

"I praise God na napansin nila ang aking pagbabago at paghihirap sa rehabilitation."

LIKE A TRUE CHRISTIAN. Parang nabunutan naman daw ng tinik sa dibdib si Yasmien ngayong naayos na ang kasong ito.

Kahit mahirap sa kanya ang desisyong iyon, naisip naman daw niyang bahagi na rin daw ito ng kanyang pag-move on kaya gusto naman daw niyang tuluy-tuloy na itong pagbabago ni Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi matagal na naming hinihintay sa kanya na mag-public apology nung dati pa.

"Parang hindi niya yata kaya na mag-sorry siya.

"Pero ngayon, at least nakita naman natin ang pagsu-sorry niya and everything, at tinatanggap niya ang kamalian niya.

"Hindi naman ako nagmukhang sinungaling or something, babae pa naman ako.

"Masaya ako ngayon. Masaya ako na nawala ang tinik sa dibdib na okay na."

Dagdag pa ni Yasmien, "Sa totoo lang, ang magdemanda napakatagal po talaga ng proseso.

"Masakit sa puso emotionally, at saka physically na parang nakakapagod.

"Bilang isang mabuting Kristiyano, ’di ba? Ang Diyos nga nagpapatawad, ang tao pa?"

WORKING TOGETHER. Hindi naman isinara ni Yasmien ang posibilidad na magsama sila uli ni Baron sa isang proyekto.

Ayon kay Baron kung okay lang daw kay Yasmien, open siya sa posibilidad na magkatrabaho sila uli.

Hindi naman sinagot ni Baron ang tanong ng PEP tungkol sa iba pa niyang kaso kagaya ng kay Patricia Martinez.

Dinidinig pa raw ito sa korte kaya mahirap pa raw magbigay ng ano mang pahayag tungkol dito.

Natuwa naman si Baron sa mga nakakarating sa kanya na mga magandang pahayag ni Cherry Pie Picache, kaya naniniwala siyang mapapatawad din siya ng aktres.

"Sa tingin ko naman nagbago po si Mr. Baron Geisler and sana hindi na niya gawin ’yun kahit kanino," saad pa ni Yasmien.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN