Martin Escudero on box-office success of Zombadings: "Siyempre, masaya. Hindi namin masyadong ine-expect 'yon. Sobrang umapaw yung tulong ng mga tao sa pelikula. Nagustuhan nila nang todo. Masayang-masaya talaga ako."

Photo: Courtesy of TV5

Very demanding daw ang Glamorosa, ayon kay Martin Escudero, isa sa cast members ng bagong primetime series ng TV5.

"Actually, sa set-up pa lang [ng TV program], demanding na. Talagang pinagtuunan nila ng pansin.

"Saka, hindi lang sa cast, pati sa pagalingan sa pag-arte.

"Kasi yung show, e, pataasan ng ere ang bawat character dito. Pero pantay-pantay naman kami dito," pagmamalaki sa kinabibilangang programa.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin sa presscon ng Glamorosa noong Sabado, Nobyembre 5.

Dito sa Glamorosa ay ginagampanan ni Martin ang papel ng love interest ni Ritz Azul.

"Pero may mga twist na magaganap, kaya kaming apat," pagtukoy ni Martin sa kanila nina Ritz, Meg Imperial, at Victor Silayan.

FIRST TIME WITH LT. First time din daw niyang makatrabaho si Lorna Tolentino, kaya hindi raw nawawala sa kanya yung kaba sa tuwing kaeksena niya ang premyadong aktres.

Kuwento ni Martin, "Kasi pinanonood ko lang siya noon, e.

"Ngayon, sabi ng nanay ko, galingan ko raw pag kaeksena ko na.

"Nakaeksena ko na siya. Hindi pa naman ganoon kabibigat, pero magkakaroon din kami."

Inamin din ng aktor na na-intimidate siya kay Lorna.

"Nandoon na 'yon, siyempre. Kasi bukod sa magaling, maganda...

"So, focus talaga dapat para hindi magkamali.