Mercedes Cabral (in photo): "Hindi ko po alam kung nominated ako, pero sa akin po kasi, 'yong mga festivals naman po kasi, parang celebration lang yan ng mga istorya, mga pelikula, mga taong mahilig lang talagang magkuwento."

Photo: Noel Orsal

Isang thriller-drama ang pagbibidahan ngayon ng isa sa mga kilalang aktres sa mundo ng independent filmmaking—si Mercedes Cabral.

Ilan sa mga ginawa niyang indie films ay Serbis (2008), Kinatay (2009), at Ligo Na U, Lapit Na Me (2011).

Ngayon, ang indie film na Di Ingon Nato naman ang pagbibidahan ni Mercedes kasama sina Rez Cortez at Franco Reyes.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Mercedes kagabi, Nobyembre 9.

Ito ay sa opening ng 7th Cinema One Originals Film Festival na ginanap sa Shangri-La Mall, Mandaluyong City.

Naikuwento niya sa amin kung ano ang istorya ng pelikulang Di Ingon Nato.

"It's a zombie film, na obvious naman. Di ingon nato [Visayan term] is 'not like us' in English.

"So, ang story niya basically is may maliit na town in Cebu and may...parang nagkaroon ng virus.

"Hindi namin alam kung ano yung nangyayari, pero nag-concentrate siya on three characters, which is portrayed by Franco Reyes, Donna Gimeno, Tito Rez Cortez.

"Basically, pinakita lang kung ano yung magiging reaksiyon ng tao, kung magkakaroon ba ng zombie apocalypse, kung ano yung magiging reaksiyon nila."

A DIFFERENT ATTACK. Para kay Mercedes, kakaiba ang ginawang atake sa zombie-inspired na pelikulang ito.

Aniya, "Kasi wala pa akong napapanood na zombie film dito na ganitong klaseng treatment at writing.

"'Yong writing niya—nakuha talaga ako ng director sa writing, e.

"Kasi nung unang pinitch sa akin yung project, medyo parang nag-alangan ako kasi zombie film siya, medyo mahirap i-pull off ito, e.

"Pero no'ng nabasa ko yung script, sobrang galing nung pagkakasulat."