Anne Curtis on her record album being spared from piracy: "Na-offend ako, but at the same time, kaya nga nag-platinum dahil wala silang choice kung hindi ang bumili ng original!"

 

Photo: Sany Chua

Lahat na yata ng rason ngayon para maging masaya ay na kay Anne Curtis na.

Isa na nga siyang recording artist dahil certified platinum record ang kanyang first album under Viva Records, ang Annebisyosa.

Idagdag pa ang kanyang masayang personal na buhay at box-office hit na pelikula.

At siyempre, ang kabi-kabilaang endorsements.

Isang  masayang Anne Curtis nga ang humarap sa ilang entertainment press sa office ng Viva Entertainment sa Tektite Towers, Ortigas Center, Pasig, kahapon, December 14, para sa press conference ng kanyang concert titled Annebisyosa: No Other Concert World Tour.

Nakatakda ang concert ni Anne sa January 28, 2012 sa Smart-Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Kasabay na rin nito ang pag-celebrate ni Anne ng kanyang 15th year sa showbiz.

"Di ba nga, palaging tinatanong ako na kung, 'Ano naman ang mae-expect ngayong may album ka na?' 

"Nandiyang nagdyo-joke-joke ako, 'Ano pa nga ba, concert!'  Naggagaganoon lang ako.

"Kaya nagulat lang ako noong sinabi ni Ate VR [Veronique del Rosario, her manager] na, 'Uy, tumuwag na si Daddy [Vic del Rosario]. Magko-concert ka. Sa Araneta.'

"'Huh?!' Kasi, hindi talaga expected. 

"After siya ng Side A at Martin Nievera's concert, na nakita ni Boss Vic doon na kina-clap ako ng tao sa production number ko do'n, so doon nagka-idea. 

"Nginig na nginig ang kamay ko.

"So, after noon, naging open-minded si Boss Vic na magko-concert ako.

"Na-shock lang po ako na Araneta [ang venue]."


Isang mabilis na "Siyempre!" ang tugon ni Anne nang tanungin kung kakayanin ba ng vocal cords niya ang concert.