PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

It's a baby girl for Oyo Sotto and Kristine Hermosa

The couple got their wish to have a baby girl.
by Kate Borbon
Published Dec 27, 2011
According to Oyo, his wife Kristine was brought to the hospital at 6:00 p.m. yesterday. Kristine gave birth to Ondrea Bliss at 11:49 p.m.

Isang napakagandang regalo ngayong Pasko ang natanggap ng mag-asawang Oyo Sotto at Kristine Hermosa-Sotto: ang kanilang bagong silang na baby girl.

Sa balitang nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), isinilang ni Kristine ang isang malusog na baby girl, bandang 11:45 kagabi, December 26.

Isang mensahe ang ipinadala ni Oyo sa PEP para sa ilang detalye ng panganganak ng kanyang asawa; "Ondrea Bliss was born yesterday, December 26 through normal delivery at 11:49 pm, her weight is 2680gm."

Dagdag pa ng aktor, "Tin is okay and still recovering. She was brought to the hospital around 6pm yesterday. Thanks."

Tin ang palayaw ni Kristine.

Sa panayam ng PEP sa kanilang mag-asawa noong Star Magic Ball, September 3, hiling ng dalawa na sana ay baby girl ang isilang ni Kristine. (CLICK HERE for related article)

Sa January 10, 2012, pa dapat ang due date ng panganganak ni Kristine, pero hindi inaasahan na isisilang na niya ito kagabi. (CLICK HERE to read related article)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkagano'n man, puno ng kagalakan ang mag-asawa dahil natupad ang wish nila na magkaroon ng isang baby girl.

Matatandaang ikinasal ang dalawa noong January 12, sa Club Balai Isabel, sa Talisay, Batangas.

Nagsimula silang mag-date noong 2006, habang ginagawa ang pangatlong sequel ng Enteng Kabisote.

Noon namang Setyembre 9, 2009, ika-26 na kaarawan ni Kristine, nag-propose si Oyo sa aktres. (CLICK HERE to see article) - https://www.pep.ph/news/27883/kristine-hermosa-and-oyo-sotto-wed-in-batangas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Oyo Sotto, Kristine Hermosa
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
According to Oyo, his wife Kristine was brought to the hospital at 6:00 p.m. yesterday. Kristine gave birth to Ondrea Bliss at 11:49 p.m.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results