Tila walang katapusan ang aberyang inaabot ng pelikulang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.
Mula sa muntikan nang hindi pagpasok nito bilang isa sa mga entries ng 2011 Manila Film Festival, hanggang sa matinding di pagkakaunawaan ng direktor na si Tikoy Aguiluz at ng lead star na si Jeorge "ER" Ejercito, ngayon naman ay planong idemanda ni ER ang SQ Film Laboratories.
Ang SQ Film Laboratories, ayon sa website nito, ay ang "oldest film processing company" sa bansa.
Ang reklamo ni Jeorge, "Ako'y nalulungkot dahil nung first day ay parang nasabotahe po kami.
"Out of 51 theaters ay 17 theaters lang kami naipalabas.
"Unfortunately, itong SQ Laboratories, ang na-print lang nila ay para sa 17 theaters sa Metro Manila."
Dahil dito, malaking halaga raw ang nawala sa gobernador ng Laguna, na siya ring major producer ng Asiong Salonga.
Aniya, "Kaya naapektuhan po ang kita ng pelikula. Milyon po ang nawala.
"May balak po kaming mag-file ng demanda sa SQ Laboratories.
"Dahil hindi nasubmit ang mga prints namin nung first day sa tamang oras.
"Biro mo, out of 51 theaters, sa 17 na sinehan lang kami naipalabas?
"Kaya we are filing a case against SQ Laboratories owned by Angelo Santos."
Nagbigay rin ng pahayag ang publicist ni ER na si Jobert Sucaldito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kagabi, December 29, hinggil sa plano ni ER.
Ani Jobert, "Gov and the producers are definitely going to sue SQ. They are now talking to the lawyers."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
8 indiahenretta
7 hhamlin
6 butching
5 JeepneyDriver
4 joanncabale
3 ryansecrets
2 ilokanang_harot
1 redsand