KC Concepcion on cutting her hair: "I wasn't there for my hair. I was there for my nails. Bigla akong nagtanong, 'Can you do the hair?'"

Photo: File photo

Lilisanin na ni KC Concepcion ang Sunday showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz.

Ito ay matapos ang halos dalawang taon niyang pamamalagi sa programa. Nagsimula si KC noong April 11, 2010.

Bago ito ay ilang linggo ring hindi napanood si KC sa The Buzz, sa gitna ng kontrobersiya sa breakup nila ni Piolo Pascual.

Pero kahapon, January 8, ay bumalik si KC sa naturang programa upang magpaalam.

Ipinakilala rin siya bilang host ng X Factor Philippines.

Si Boy Abunda ang nag-interview kay KC bilang isang guest.

Bungad ng actress-TV host, "I feel at home. Siyempre, itong The Buzz, palagi siyang magiging at home sa akin.

"Kanina pumapasok ako, naghahanap ako ng lapel.

"Sabi ko, 'Wala na pala akong lapel, kasi guest na pala ako, Tito Boy.' 

"In fairness, sa two years na yun, na-miss ko rin palang maging guest dito, ha!" natatawa niyang sabi.

THANK YOU, KC! Nagpasalamat naman si Boy kay KC in behalf of The Buzz family sa pagiging bahagi nito sa show.

Ang naging tugon ni KC: "Thank you. This is really where I learned.

"Ito yung show talaga na kung saan, naging ano rin ako...sasabihin ko sana military [training], pero hindi naman yun ang right term.

"Parang dito ako tinuruan. Dito ako natuto. Dito ako nagka-experience.