Ariel Rivera on network contracts: "You know, sometimes a contract helps you, sometimes it doesn't help. You get tied up to it, you know. Sa side ko, it works for me having a contract. But to other people, it only hinders their movement. Hindi naman lahat ng contract is positive. Sometimes all tied up ka na, wala ka nang magawa. Like yung sa ibang artista na napi-freeze sila, pero dahil may contract sila, wala na silang magawa. Some benefits you, some doesn't. My case, it does."

Photo: Noel Orsal

Masayang-masaya si Ariel Rivera dahil sa dami ng mga proyekto niya sa ABS-CBN.

Simula sa Lunes, Enero 23, ay mapapanood siya sa sa Precious Hearts Romances Presents Lumayo Ka Man Sa Akin bilang ama ng bidang si Maja Salvador.

Sa susunod namang Lunes, Enero 30, ay ipapalabas na ang E-Boy, kung saan isa siya sa main cast.

Ginagampanan niya ang papel na Gabriel, ang creator ng robot na si E-Boy, na ginagampanan naman ng child star na si Bugoy Cariño.

Ayon kay Ariel, "I'm blessed.

"You know what, when I came back sa ABS, nung first day ko, na-feel ko na I'm at home kasi dito ako nag-umpisa, e.

"Ngayon, I'm so blessed and I'm so thankful to ABS-CBN, to our bosses for giving me these projects.

"And not only projects, but wonderful projects."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ariel sa grand presscon ng upcoming Kapamilya primetime teleserye na E-Boy kagabi, Enero 19, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

SPECIAL EFFECTS PROJECT. Maraming special effects at computer-generated images (CGI) sa E-Boy, lalo na sa robot scenes ni Bugoy.

Mahirap bang magtrabaho sa ganitong proyekto, lalo na't ang kinakausap niya'y hindi niya nakikita? Tuwing robot kasi si Bugoy, CGI na.

"You know, the thing about working with Bugoy, kahit na alam ko na may special effects siya, he got those expressive eyes.

"So, when I do a scene with him, makikita mo pa rin, may connection pa rin ako sa kanya. Hindi mahirap.

"Hindi siya madali, pero hindi mahirap because siguro I'm also a father.

"So, I can understand when the script was given to me na with this kind of situation.