Part 1: Feng shui lady Marites Allen says Year of the Water Dragon is the year of infidelity, advises showbiz couples to be careful

Rommel R. Llanes
Sunday, January 22, 2012 @ 07:58AM  |  487 views

 

"There could be some relationship issues among the celebrities. So, it's very important for them to be careful, be more mature, be more positive with their relationships,"says feng shui expert and businesswoman Marites Allen.

Photo By: (Marian and Dingdong) Noel Orsal; (Marites Allen) Rommel R. Llanes













Taun-taon ay nagbibigay ng libreng advice ang feng shui expert at businesswoman na si Marites Allen bilang paraan niya ng pasasalamat sa mga biyayang nakamit niya sa kanyang buhay.

Nito ngang Sabado, Enero 21, dinagsa ng mga nais humingi ng payo mula kay Madam Marites, ang isinagawa niyang libreng talk at consultation sa SM Mall of Asia Activity Center.

Pitong taon na niyang ginagawa ito, at sa bawat taon mula nang simulan niya ang libreng talk and consultation, laging dagsa ang mga tao para marinig ang kanyang sasabihin tungkol sa papasok na Lunar Year, ayon sa Chinese Lunar Calendar.

Matapos na magsalita tungkol sa feng shui at kung ano ang naghihintay sa mga Pilipino ngayong 2012, isa-isang binigyang-oras naman ni Ms. Marites ang pagdinig sa mga tanong at paghingi ng payo ng mga taong nagsipuntahan sa kanyang taunang event na pinangalan niyang The Feng Shui Update.

Nang matapos na ang mahabang pila ng mga parokyano't mga taong mahihilig sa feng shui, pinagbigyan na ng President and Chief Executive Officer ng World of Feng Shui (WOFS) Philippines ang hiling ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makapanayam siya.

Ang WOFS Philippines ay ang merchandising arm ng geomancy practice ni Marites.

Mayroon na itong anim na boutiques na nakapuwesto sa mga maayos na lokasyon base na rin sa pagtatantiya ng geomancy expert.

GEOMANCY AND FENG SHUI. Ang geomancy ay ang paraan ng pag-alam ng kahihinatnan o kapalaran ng isang tao, bagay, ideya o pangyayari, base sa pagbasa sa pagkakapuwesto ng mga bagay-bagay sa paligid, katulad ng mga puno, daan, bundok, gusali, at pati na rin ng mga bituin at planeta.

Sa kulturang Tsino, ang paraan ng geomancy ay tinatawag na feng shui.

Hindi lang mga bagay-bagay sa paligid at mga bituin at planeta sa kalangitan ang pinagbabasehan ng payo at gabay ng feng shui experts, kundi pati na rin ang pagbasa sa taon ng kapanganakan ng tao o pagkakabuo ng isang ideya o gusali.

May katapat na labindalawang hayop sa Chinese Astrology ang bawat taon.

Kinukuha rin dito kung may positibo o negatibong kapalaran ang pinag-aaralang tao, gusali, o ideya.

BACKGROUND ON MARITES ALLEN. Higit pa sa isang dekada ang pagiging magaling na geomancer o feng shui expert ni Ms. Allen.

Natuto siya sa mga masters ng feng shui mula sa iba't ibang bansa sa Asya, katulad ng Malaysia, Singapore, Thailand, at China.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

18 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name