Part 2: How stars will enter the year of the water dragon according to geomancer Marites Allen

According to feng shui expert Marites Allen (not in photo), people born under the sign of Horse (like Sharon Cuneta, top left) and under the sign of Rooster (like Coco Martin, bottom right) are very lucky this year. However, those born under the sign of Boar (Kris Aquino, top right) and Dog (Akiko Solon, bottom left) should be very careful.


Sinadya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kilalang feng shui expert at World of Feng Shui (WOFS) Philippines owner na si Marites Allen sa taunan nitong The Feng Shui Update talk and free consultation sa SM Mall of Asia, kahapon, Enero 21.

Kabilang sa mga gustong malaman ng PEP mula sa sikat na geomancer ay ang prediksyon nito para sa mga artista na pinili ng PEP base sa mga balitang kinasangkutan ng mga ito nitong mga nakaraang araw, at sa Chinese animal signs nila.

Sa part one ng artikulong ito (CLICK HERE to read related story), sinabi ni Madam Marites na bagay talaga ang My Beloved stars at magkasintahan na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes dahil "friends" o "allies" ang Chinese animal signs nila.

Bilang Rat person, makakaranas daw ng tensyon si Marian ngayong taon na kailangan namang ibsan ni Dingdong.

"Marian is a Rat, Dingdong is a Monkey. So, they are very good for each other," aniya sa dalawang Kapuso artists.

Dahil pagod na at kailangan din niyang ipahinga ang kanyang boses para sa isa pang feng shui talk na gaganapin naman sa Manila Hotel mamayang bisperas ng Chinese New Year celebration, nag-request ang feng shui expert kung puwedeng sina Marian at Dingdong na lang muna ang bigyan niya ng prediksyon.

Ibase na lang daw sa booklet na ipinamimigay niya sa kanyang feng shui conventions ang kapalaran naman ngayong Year of the Water Dragon ng mga artistang nasa listahan ng PEP.

"I am going to authorize you to copy everything here," sabi pa ni Ms. Marites.

Kaya’t heto ang kapalaran ng mga artista ngayong Year of the Water Dragon base sa pag-aanalisa ni Marites Allen sa mga animal signs ng Chinese Astrology.

DINGDONG DANTES. Ipinanganak nuong 1980, sinabi na ni Ms. Marites na bagay ang Monkey na si Dong sa girlfriend nito na si Marian na ipinanganak naman nuong year of the Rat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil may nakitang tensyon ngayong taon si Marites kay Marian, to the rescue naman si Dong na ngayong taon ay kinakailangan talagang kontrahin ang mga negatibong puwersa na puwedeng makaapekto sa relasyon niya kay Marian.

Sabi pa ni Ms. Marites tungkol sa Monkey ngayong taon, "Needs to counter inauspicious energies that harm relationships."

Pero maganda naman daw ang pasok ng pera kay Dong ngayong Year of the Water Dragon.

"Wealth and success luck are with you this year," ayon pa sa geomancer.

ANGEL LOCSIN. Ipinanganak nuong 1985, Year of the Ox, magiging maganda pa rin naman daw ang taong ito para kay Angel kahit na hindi kasing-gaan nuong nakaraang taon.

"This year may be tougher than last year, but when things go well, they will go very well."

Dapat daw planuhing mabuti ng Ox person ang mga major activities nito sa mga magagandang buwan na nakalaan para rito—ang Pebrero, Abril, Agosto, at Setyembre.

KRIS AQUINO. Dapat na mag-ingat ang Presidential sister ngayong Year of the Water Dragon base sa pag-aanalisa ni Madam Marites sa kapalaran ng animal sign ni Kris na Boar. Ipinanganak si Kris nuong 1971.

"Possible robbery, money loss, or betrayal," ang sinabi ng feng shui expert tungkol sa Boar para sa taong ito.

Payo ni Marites, "Make sure to get your timing right and keep yourself strong and protected."

SHARON CUNETA. Year of the Horse naman ang taon ng kapanganakan ni Mega nuong 1966.

Tila angkop sa paglipat niya sa TV5 ang sinasabi ni Madam Marites tungkol sa Horse para sa taong ito.

"A fabulous year with fresh opportunities."

Hindi rin dapat mag-alala si Sharon sa mga pagkakataon na kailangan niyang maging competitive.

Dahil ayon pa kay Ms. Marites, "Victory luck helps you succeed in competitive situations."

CARMINA VILLARROEL. Mukhang magiging maganda rin para kay Carmina ang ginawa niyang paglipat sa ABS-CBN mula sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang Rabbit person si Mina na ipinanganak nuong 1975.

At base sa prediksyon ni Marites sa Rabbit, magiging mas magandang taon ang 2012 kaysa sa 2011.

"A very good year with significant improvements over the last year.

"Health luck is generally good allowing you to fight stress and work pressure."

Magiging maganda rin daw ang personal at professional relationship ng Rabbit person para sa taong ito.

DEREK RAMSAY. Maraming achievements na makakamit ang Sheep person na si Derek sa Year of the Water Dragon.

"Success and achievements will be plenty," ang sabi ng geomancer tungkol sa Sheep.

Pero dapat na mag-ingat ang Fil-Brit actor na ipinanganak nuong 1979, pagdating naman sa personal na relasyon.

"Relationships may suffer because of a quarrelsome star, which makes you less patient."

Kailangan daw ng matinding pagtitimpi sa sarili kung gustong magtagumpay ngayong taon.

Magandang kalusugan at patuloy na pagdating ng suwerte ang naghihintay sa taong ito.

GERALD ANDERSON. Snake ang animal sign ng Budoy lead star na ipinanganak nuong 1989.

Base sa naging resulta ng pag-aaral ni Madam Marites sa kapalaran ng Snake sa Year of the Water Dragon, hindi magiging madali para kay Gerald ang taong ito.

"Unique opportunities will come your way despite a lackluster year."

Ang oportunidad na ito ba ay ang sinasabing panliligaw ni Gerald kay Sarah?

Mangangailangan daw ng tulong ang Snake mula sa mga kaibigan nitong ipinanganak sa taon ng Ox at Rooster, para mas madalian ito ngayong taon.

SARAH GERONIMO. Para sa isang Dragon person na katulad ni Sarah, hindi ito ang taon para sa mga malalaking pagbabago.

Kailangan ding maging matatag ni Sarah dahil ang Dragon sa taong ito ay magkakaroon ng "obstacles and aggravations" ayon pa sa prediksyon ni Ms. Marites.

Makakaasa naman daw ng tulong si Sarah, na ipinanganak nuong 1988, mula sa isang taong ipinanganak sa Year of the Rabbit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JC DE VERA. Isang magandang taon ang Year of Dragon para sa isang Tiger na katulad ni JC, na ipinanganak nuong 1986.

Ngayong taon, dobleng suwerte pero, dobleng malas din daw ang matatamo ng Tiger person.

"Both good and bad luck get doubled because of the presence of the multiplying star," ayon sa pag-aanalisa ni Marites sa Tiger ngayong Year of the Dragon.

Kailangan lang daw maging maingat ang Tiger at pumili ng magagandang buwan para sa mga importanteng events.

Suggestion ni Ms. Marites ang magagandang buwan ng Pebrero, Setyembre at Oktubre.

AKIKO SOLON. Nabigyan man ng bagong break bilang aktres sa E-Boy, dapat ding mag-ingat si Akiko ngayong Year of the Dragon.

Ayon kay Marites Allen, kaaway ng Dragon ang Dog sa Chinese animal signs.

At dahil taon nga ng Dragon ngayon, dapat na mag-ingat ang mga taong ipinanganak sa Year of the Dog, kagaya ni Akiko na ipinanganak nuong 1994.

"A year to be careful because of the presence of harmful stars in your chart.

"Get your timing right for any major activity.

"It is very important to have the proper cures in place to neutralize the various afflictions."

Ilan lamang ang mga ito sa entry ni Ms. Marites tungkol sa Dog ngayong Year of the Water Dragon.

Mukhang kailangang pasyalan ng mga taong ipinanganak sa Year of the Dog ang World of Feng Shui Philippines boutique ni Ms. Marites, para sa mga cures laban sa kamalasan ngayong taong ito.

COCO MARTIN. Isang maayos na taon naman ang mararanasan ng mga taong ipinanganak sa Year of the Rooster, katulad ni Coco na ipinanganak nung 1981.

Sabi pa ni Madam Marites sa kanyang booklet tungkol sa Rooster ngayong taon, "Both personal and professional pursuits are satisfying.

"Finances will go well, with possible windfall of some kind."

Dahil kaibigan ng Dragon, makakaasa ng magandang 2012 ang mga Rooster people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN