Alice Dixson on working with other networks: "Kung may mag-offer man, basta maganda, okay lang. Pero my priority is TV5 pa rin. Pero 'pag may magandang project, ipinapaalam ko sa kanila—like yung paggawa ko ng Panday 2, that was GMA Films. Basta maganda yung project, pinapayagan ako, at hindi siya tatapat sa regular show ko, okey lang."

Photo: Noel Orsal

Magiging abala pa rin si Alice Dixson dahil kahit natapos na ang kanyang teleseryeng Glamorosa ay may kasunod na agad siyang proyekto.

Sa press launch ng mga bagong shows ng TV5 sa NBC Tent kahapon, February 15, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres.

Ikinuwento ni Alice sa amin ang bagong pagkakaabalahan niya sa Kapatid network.

Magiging bahagi siya ng teleseryeng Isang Dakot Na Luha.

Para sa aktres ay kaiba ito sa mga nagawa na niya at hindi niya napahindian nang i-offer ito sa kanya. 

Sabi ni Alice, "Drama na naman, parang ayoko muna. Gusto ko muna sana mag-comedy o mag-talk [show].

"Pero nung inupuan ako ng scriptwriter at saka production unit manager namin, nagustuhan ko ang kuwento—touching at parang maraming puwedeng paghugutan sa kuwento.

"And after a long-running talk and maganda yung exposure, kaya tinanggap ko na."

Ang Isang Dakot Na Luha ang pangatlong project ni Alice sa TV5.

Una siyang sumabak sa teleseryeng Babaeng Hampaslupa, kasama sina Ms. Susan Roces at Alex Gonzaga, at sumunod nga rito ang Glamorosa nila nina Lorna Tolentino at Ritz Azul.

NON-EXCLUSIVE. Pero kahit nakakontrata siya sa network ay open siyang gumawa ng proyekto outside TV5.

Ito ay dahil non-exclusive contract ang pinirmahan niya sa Kapatid network.

May pagkakataon bang inalok siya ng ABS-CBN o GMA-7? 

"Kung may mag-offer man, basta maganda, okay lang. Pero my priority is TV5 pa rin.

"Pero 'pag may magandang project, ipinapaalam ko sa kanila—like yung paggawa ko ng Panday 2, that was GMA Films.