"Sana ma-sustain ko ang health ko and hindi ko rin naman mapabayaan ang pamilya ko. But I have a very understanding wife. I'm trying to prepare myself mentally para hindi naman ako ma-stress masyado sa shoot," says Ogie Alcasid about his hectic showbiz schedule in the next few months.

 

Photo: Nerisa Almo

Pagkatapos ng successful Valentine's concert ni Ogie Alcasid at ng kanyang asawang si Regine Velasquez na Mr. & Mrs. A, magiging abala naman ngayon ang singer-songwriter sa paggawa ng mga pelikula.

Sa mga susunod na buwan, hahatiin ni Ogie ang kanyang oras sa pamilya at sa shooting ng mga pelikulang I Do Bidoo, Bidoo at Boy Pick-Up The Movie.

"This March and April will be very challenging for me," sabi ng singer-composer-actor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang story conference ng I Do Bidoo, Bidoo noong Pebrero 22.

Dahil sa hectic ng schedule, pinapanalangin daw ni Ogie na, "Sana ma-sustain ko ang health ko and hindi ko rin naman mapabayaan ang pamilya ko.

"But I have a very understanding wife.

"I'm trying to prepare myself mentally para hindi naman ako ma-stress masyado sa shoot."

Hindi na raw inaalintana ng TV and movie personality ang pagod sa trabaho.

Sa halip, sabi ni Ogie, "You know, ako naman ang attitude ko lang sa trabaho ay kailangan i-enjoy lang 'to, e.

"Kasi kung hindi, magiging mabigat 'yong trabaho para sa 'yo, e."

Dahil na rin sa magkasabay na paggawa ng dalawang pelikula, malabo na rin daw maulit ang ginanap na concert nina Ogie at Regine sa Araneta Coliseum noong Pebrero 14.

(CLICK HERE to view photo gallery of Mr. & Mrs. A