Maria Isabel Lopez on her unforgettable "scenes" in Survivor Philippines: "Kaya yung pagtataray ko sa isla, nabanggit ko nga na hindi ko kasalanan kung mga has-been na ang mga nagagalit sa akin. Mga bata pa sila, wala na silang career, e, ako, may edad na pero nakakarating pa ako ng mga film festivals abroad. I still do movies at nananalo pa ako ng acting award! I've been an honest person sa kanila. The truth hurts, pero kailangang tanggapin. There's nothing wrong in being honest lalo na kung may pinaglalaban ka."

Photo: Noel Orsal

Lumikha ng ingay si Maria Isabel Lopez nang maging isa siya sa  castaways ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown.

Naging kapansin-pansin kasi ang kanyang pagiging karakter sa isla, hindi lamang sa mga manonood kung hindi sa mga nakasama rin niyang castaways. At mukhang dito nagkaroon ng panibagong sigla ang takbo ng kanyang showbiz career.

Matapos ng mga nakitang kaganapan sa Survivor Philippines, kasama na si Maribel (ang kanyang palayaw) sa primetime series ng GMA-7 na Legacy. Ginagampanan niya rito ang role ng ina ni Sid Lucero, na isa sa gustong pabagsakin ang business empire ni Eddie Garcia.

CONTINUING SHOWBIZ CAREER. Ipinagmamalaki ni Maribel na hindi naman daw namatay ang career niya sa showbiz. Nandiyan lang daw siya doing one indie movie after another.

Kasali pa nga siya sa cast ng award-winning film ni Brilliante Mendoza na Kinatay at magkasamang naglakad ang dalawa sa red carpet ng Cannes International Film Festival sa France.

"Siguro mas naging maingay lang ako ngayon, lalo na after Survivor Philippines," sabi ni Maribel sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Legacy.

"I was working quietly naman.

"I did many indie movies at sa Kinatay nga, I even won an award [as best supporting actress at the Golden Screen Awards].

"Kaya yung pagtataray ko sa isla, nabanggit ko nga na hindi ko kasalanan kung mga has-been na ang mga nagagalit sa akin.

"Mga bata pa sila, wala na silang career, e, ako, may edad na pero nakakarating pa ako ng mga film festivals abroad.

"I still do movies at nananalo pa ako ng acting award!

"Totoo naman ang mga sinabi ko, di ba?

"I've been an honest person sa kanila.

"The truth hurts, pero kailangang tanggapin.

"There's nothing wrong in being honest lalo na kung may pinaglalaban ka."