Direk Wenn Deramas expresses his sentiments over issues with Star Cinema: "Ito wish ko ito lagi sa mga tao...' pag nag-usap tayo, di kailangang saktan mo ako para maintindihan mo. Puwede natin itong upuan, 'Ito ang kulang, ito ang sobra.' Hindi mo kailangang saktan ang isang tao para maintindihan niya ang mga bagay-bagay."

 

Photo: Noel Orsal

Nilinaw naman ni Direk Wenn na hindi naapektuhan ang pagkakaibigan nila ni Ai-Ai sa naging issue nila ng Star Cinema taliwas ng nabalita noon.

"Hindi talaga," diin niya.

"Kinukuwento ko nga, habang may issues noon sa Enteng, issue ko ito sa Star Cinema, hindi issue ko kay Ai-Ai delas Alas."

AI-AI'S NEW LOVE. Samantala, kinumpirma ni Ai-Ai sa presscon ng Wako Wako na may bago siyang inspirasyon ngayon. (CLICK HERE to read related story.)

Nagpahayag naman ng kasiyahan si Direk Wenn na may bagong boyfriend na ang kaibigan.

"Sobra akong masaya!" bulalas niya.

"Na-meet ko na, of course, bilang kambal kami [ni Ai-Ai]. 

"Puwedeng artista—stable, mayaman. 

"Talagang kumbaga, kung ang Wako Wako, puro wishes, ito masasabi natin na isa ito sa wish ni Ai-Ai na natupad."

Ang Wako Wako bale ang pagbabalik-tambalan nina Direk Wenn at Ai-Ai pagkatapos ng Tanging Ina movies nila.

"Nagkaka-text-an kami, sabi ko sa kanya, 'Uy, may bagong role para sa iyo, Dyosa. Iba naman, magandang pagbabalikan natin ito!'" 

"Ganun lang kasimple, sinabi niya agad, 'Go!'" 

"E, tamang-tama naman kasi that time, nalalapit naman ang pagtatapos ng Binondo [Girl] so parang perfect na perfect lang yung timing na nagtatapos siya, 'tapos ayaw din naman niyang magpahinga ng dire-diretso. 

"Looking forward din siya sa Ai-Ai and Vilma filmfest [movie], so kami ulit."

BACK TO STAR CINEMA. Ang Wako Wako rin ang pagbabalik-teleserye ni Direk Wenn. Tinanong ng PEP si Direk Wenn kung ano ang kaibahan ng Wako Wako sa ibang mga naidirek na niyang fantaserye, partikular na ang Kokey.