Wenn Deramas wants no part in Vic Sotto-Ai-Ai delas Alas MMFF movie Enteng ng Ina Mo

"Wala na yung sama ng loob ko, pero ’wag na ipilit sa akin na gawin yung kalahati ng pelikula," says director Wenn Deramas about the MMFF movie of Vic Sotto and Ai-Ai delas Alas which has "Ina" on the title.


Nagsalita na ang direktor na si Wenn Deramas sa kanyang saloobin tungkol sa paggamit ng "Ina" sa title ng pelikulang pagsasamahan nina Ai-Ai delas Alas at Vic Sotto para sa Metro Manila Film Festival 2011—ang Enteng ng Ina Mo.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Wenn sa shooting ng pelikulang Private Benjamin na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Derek Ramsay.

"Hindi ako ready dito," sagot niya nang tanungin kung nagtatampo siya.

"Paano ba yun? Kasi pumayag po akong makipag-usap kay Tita Malou [Santos, Star Cinema head] kaya may meeting po kami [bukas, August 4] kaya dun lang maki-clear ang mga bagay-bagay.

"Lahat ng mga katanungan ay parang doon pa lang magkakaroon ng mga kasagutan."

Ano ang mga katanungan na tinutukoy niya?


"Bakit? Paano? Saan? Ano?" natatawang sagot ng direktor.

Paliwanag niya, "Kasi nung time na may inalok sila sa akin, meron na silang dapat na gagawin... paano ba?

"Basta nagkaroon na ng idea na pagsamahin si Vic at si Ai-Ai para sa filmfest.

"Ang unang nakarating sa akin, original concept of Tony Y. Reyes, so siyempre, respeto, ’O, inyo po ’yan.’

"Bigla na nagkaroon ng pagpapatawag sa manager ko na si Tita June [Rufino], na ako na raw ang magdidirek.

"May bago na namang concept na gandang-ganda ako, na ang sumulat si Mel del Rosario ulit.

"Nakarating sa akin yun, so nag-discuss kami ni Mel.

"Sabi ko kay Tita June, ’Ikaw ang bahalang magdesisyon, kailangan ko bang gawin kasi may ginagawa pa akong Private Benjamin.’

"Sabi niya, ’Oo naman, Vic Sotto yun.’

"After two days, tinanggap namin. Pero after two days, binawi.

"I think, yun ang nakarating sa akin—mas gusto ni Vic Sotto yung isang concept with Tony Y.

"Again, nirerespeto ko si Vic Sotto sa larangang ’yan dahil kaya niyang ipagtanggol ang kanyang director, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Walang isyu kasi original concept, kanila yun."

Patuloy niya, "Pero awards night ng Star Awards, habang kinakaba-kabahan pa ako, sabi ni Uge [Eugene Domingo]... Nasa Resorts World tayo, di ba?

"Sabi ko, nagugutom ako. Sabi niya [Uge], ’Bumaba ka dito, kumakain ako.’

"So, bumaba ako, tintreat niya ako kasama si Tess Fuentes ng Star Cinema.

"Habang kumakain kami, sabi ni Uge, ’Tess, kasama ba ako dun sa Enteng-Ai-Ai?’

"Sagot niya, ’Siyempre, kasama yung best friend.’

"Sabi ko, ’O, e, bakit naman, best friend na nga siya sa Tanging Ina, best friend pa siya dito?’

"Sabi ni Uge, ’Tanging Ina ito.’

"Dun ako nanghina kasi walang nagsabi sa akin na Tanging Ina yun.

"Paano magiging original concept kung Tanging Ina?

"Wala pong nag-inform sa akin nang maayos dahil ang ipinadirek sa akin ay ibang konsepto.

"So, wala sa hinagap ko na gagawin pala nila ay Tanging Ina Meets Enteng.

"Siyempre po, kahit kayo, hindi puwedeng hindi sumama ang loob ninyo. Nanghina ako.

"Kahit tumanggap na ako ng award [Best Director], nalilito ako. Masasaktan ba ako o maliligayahan?

"Pag-uwi ko ng bahay, hindi ako makatulog, hinahaplos-haplos ko yung trophy ko.

"Pero at the back of my mind, parang, ’Bakit? Bakit? Akin ito, e.’

"Parang ganoon na sinasabi ko nga sa kanila, ’O, last na yun, ha!’

"Na makulit naman ako diyan. Simply because wala naman akong nakikitang kuwento dito sa Last Na ’To.

"Well, kung makakaisip tayo ng maganda at reunion movie, why not?

"Pero until na hindi tayo nakakaisip, last na ’yan.

"Yun ang panukalang batas ko diyan," mahaba niyang salaysay.

TWO DIRECTORS. Nagtawanan na lang sa pasenyas na reaksyon ni Direk Wenn kung papayag ba siyang dalawa na lang silang magdirek ni Tony Y. Reyes ng pelikula nina Vic at Ai-Ai.

"Kung ikaw si Wenn Deramas, papayag ka?" sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi nga yung Tanging Ina, nanay ko yun, e.

"Hindi ko naman nililihim sa lahat na ang characterization ni Ai-Ai dun ay nanay ko.

"Although wala naman kaming doseng magkakapatid, hindi naman siya nagpapalit-palit ng asawa.

"Pero yung tema ng comedy at drama, nanay ko yun, e!"

Naiparehistro ba ni Direk ang Tanging Ina? Meron ba siyang right para habulin ito?

"Hindi ko kailangan ang ganoon," sabi niya.

"Kasi, hindi ko naman alam na mangyayari sa akin ito.

"Hindi ako nakikipaglaban.

"Actually, ibinigay ko na nga nang buong-buo, na nung malaman na nila ang galit ko, nalaman na nila ang sama ng loob ko at ayaw ko na... at may iba na akong tinanggap sa Viva na isusunod ko, saka nangyari ang ganitong talk.

"Wala na yung sama ng loob ko, pero ’wag na ipilit sa akin na gawin yung kalahati ng pelikula.

"Siguro naghanap lang ako ng mala-Vic Sotto na concerned dun sa...

"Nung sinabi ni Vic na, ’No, Tony Y Reyes’ siguro naghanap lang ako ng ganun sa parte naman nila.

"Pero sabi nga ni Tita Malou, mag-usap kami kasi nangyari daw ang lahat ng ito ay nasa Amerika siya, na totoo naman.

"Nung naghahanap ako ng kasagutan, nasa Amerika naman talaga si Tita Malou."

Hindi ba sumama ang loob niya kay Ai-Ai na hindi siya ipinaglaban nito?

"Hindi," mabilis na sagot ni Direk Wenn.

"Kasi kilala ko si Ai-Ai. Kambal kami niyan.

"Pag may gusto ’yan, gusto niya. Kahit harangin ng sibat ’yan. Kaya intindi ko yung ugaling ganoon.

"So, paanong sasama ang loob mo, e, naiintindihan mo nga na pag may gusto si Ai-Ai, kahit ano ’yan, tutuloy ’yan.

"Pero, hindi naman natin alam, baka siya naman ang nag-request na idirek ko yung Tanging Ina part dun sa pelikula."

Paano kung offer-an siya ng cash para gamitin ang "Tanging Ina" sa title ng pelikula nina Vic at Ai-Ai?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"1.2 billion. Billion... Parang si Manny Pacquiao lang ang may billion. Joke lang!

"Basta ang sabi ko, once na hinawakan na ng iba yung Tanging Ina, kahit ano pang magandang kuwento na lalabas diyan, hindi ko na mahahawakan, ituloy na nila," deklara niya.

MARICEL SORIANO. Samantala, hindi naman maiwasang mabanggit si Maricel Soriano at ang mga isyu na kinasasangkutan nito.

Malapit na kaibigan kasi ni Direk Wenn ang Diamond Star kaya ganun na lang ang suporta nito sa aktres.

Pahaging ng direktor, may isang grupo ng mga taong naninira lang kay Maricel kaya sunud-sunod ang issues na inimbento raw laban dito.

"Hindi lang ba kayo nagtataka kung bakit... Sa dinami-dami ng mga isyung sabay-sabay laban sa kanya, hindi ba kayo nagdudang may mga taong naninira lang sa kanya?" tanong nito.

Sino naman ang maninira at bakit sisiraan si Maricel?

"Wala lang, inggit. Siguro dahil sobrang ganda ng buhay ni Maricel kaya gusto siyang i-down," sabi ni Direk Wenn.

Dun sa isyung mahirap na raw si Maricel at naibenta na ang maraming properties nito, kinontra ito ni Direk Wenn at inisa-isa ang mga natitirang kayamanan ng kaibigan.

"At heto ha, nagkuwento ang isang common friend namin, artista rin, minsan daw tinawagan si Marya ng isang kaibigang humingi ng tulong, ora mismo raw nagbigay ito ng malaking halaga.

"Yan bang naghihirap? ’Yan bang sinasabi nilang walang natirang kayamaman? Kayang tumulong sa kapwa?

"Hindi basta-basta ganun kalaking pera yung binigay niya dun sa humingi ng tulong sa kanya," saad pa ng direktor.

Tuloy, naging pahulaan pa kung sino ang kaibigan ni Marya ang binigyan nito ng malaking halaga.

"Babae siya, ayaw ko nang pangalanan," sabi naman ni Direk Wenn.

When told na nasa Europe daw ngayon si Maricel at dun nagtatago at nagbabakasyon, ito ang sabi ni Direk Wenn:

"Europe, masagtos dun. ’Yan ba ang naghihirap? Mag-isip po kayo!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN