Angelika dela Cruz on her career plans: "Gusto kong balikan ang first love ko, yung singing. Gusto kong magawa muna ang mga yun. Siyempre kung si Orion [her husband], gusto niyang mag-baby na ulit. Pero naiintindihan niya. He knows where I'm coming from. Kasi yung mga nakaraang taon ko, alam naman niya na parang roller-coaster. Nagkulong kasi ako when Edward [dela Cruz, her younger brother who died from an accident] died. So, nasa bahay lang ako. Hindi ako lumalabas. Kasi, I was really mourning. So, siguro ngayon, ako, unti-unti. Ngayon ko unti-unting nararamdaman at nae-enjoy ang mga kaibigan ko. So, I want to enjoy it first."

 

Photo: Noel Orsal

Nag-e-enjoy at masaya si Angelika dela Cruz ngayon sa primetime series niya sa GMA-7 na Biritera. 

Para kay Angelika, positive ang lahat ng vibes na dumarating sa naturang serye.

Ang tungkol dito ang ikinuwento ng aktres nang makita siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa PPL Entertainment office last week. 

Ano nga ba ang meron sa Biritera?

"Well, aside sa masarap kasama ang mga kasama ko do'n, walang may arte. Walang may kahit ano.

"Nag-e-enjoy ako ro'n sa role ko."

Ang character ni Angelika ay bilang nagpalaki sa batang bida na si Roseanne Magan.

Natutuwa rin si Angelika sa magagandang feedback na natatanggap niya sa ipinapakita niyang pag-arte rito.

"Masaya siyempre, lalo na kapag napapansin ang pinaghihirapan mo.

"Minsan, nakaka-flatter yun at mas lalo mo pang pagbubutihan," nakangiting sabi niya.

Marami na siyang ginawang serye in the past, pero sa Biritera raw mas maraming nakakapansin sa kanya. Bakit nga ba?

"Siguro kasi iniba ko ang atake do'n sa role. Hindi yung usual na ginagawa ko noon na mabait.

"Meron siyang ibang attack, ibang mannerism, ibang boses na ginamit.

"May iba... may iba.

"At saka, siguro kasi in the long time, ngayon lang ulit ako nakagawa ng ganyang role kaya mas napapansin, di ba?" saad niya.