Julie Anne San Jose and Elmo Magalona are shooting their launching film, Just One Summer, for  GMA Films. The young stars have chemistry and are comfortable with each other. They also have a fan base since they started teaming up in the Sunday noontime show, Party Pilipinas. They have also appeared on the TV series Andres de Saya and Daldalita.

 

Photo: Ruel J. Mendoza

Excited na pareho sila Elmo Magalona at Anne Ann San Jose dahil nagsimula na ang shooting para sa launching film nila na Just One Summer sa ilalim ng GMA Films.

Naganap ang story conference ng movie noong nakaraang March 8 sa 17th floor ng GMA Network Building at nag-first shooting day sila kinabukasan (March 9) sa may Muñoz, Project 7, Quezon City.

Last year pa nga naisip ang istorya para kina Julie Anne at Elmo dahil sa sobrang lakas ng kanilang teamup na JuliElmo na laging inaabangan sa Party Pilipinas.

Second movie pa lang ito ni Elmo (una siyang na-introduce sa Tween Academy: Class of 2012) pero mas nakakaramdam siya ng kaba ngayon dahil this time ay bida sila ni Julie Anne.

Pinagdarasal nga niya na maging successful ito para magkaroon ng follow-up.

"I am really excited about what's happening now.

"Kelan lang po I was just performing on television. Ngayon I'm doing a big movie," sabi ni Elmo sa aming interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa story conference ng Just One Summer.

"It's happening so fast, pero I am enjoying it. I want to do good with what GMA-7 is giving me and my partner Julie Anne."

Wala na raw silang problema ni Julie Anne with regards to chemistry dahil gamay na nila ang isa't isa.

Nakailang beses na rin silang nag-partner sa TV (Andres de Saya, Daldalita) kaya maganda na ang working relationship nila.

"Kami naman po ni Julie, we've worked [together] on TV so many times na and we know that the chemistry is there.

"We're always supporting one another and every time naman na magkasama kami, we always give our best.

"Gusto po naming i-share ang talent namin with so many people, lalo na ang fans ng JuliElmo who are always there to cheer for us and really show their support," ngiti pa ni Elmo.

WORKING WITH VETERANS. Para naman kay Julie Anne, first movie niya itong Just One Summer at natutuwa siya dahil bukod sa launching film nila ni Elmo, makakatrabaho pa nila ang mga mahuhusay na veteran stars ng local film industry at ididirek pa sila ni Mac Alejandre.

"It's really an honor for us to be working with the likes of Ms. Gloria Romero, Ms. Cherry Pie Picache, Ms. Alice Dixson and Mr. Joel Torre.