"Kung may lagi naman siyang ginagawang desisyon, lagi naman niyang pinaninindigan yun and happy ako for him. Nandito ako para suportahan siya at hindi yun makakaapekto sa relationship namin," says Angelica Panganiban about the transfer of boyfriend Derek Ramsay from ABS-CBN to TV5.

Photo: Noel Orsal

“Pero siyempre, iba, iba yung feeling na parang ang dami mong gustong gawin.”

Ang huling regular soap ni Angelica ay ang Rubi noong 2010, bagamat nagkaroon siya ng guest appearance sa 100 Days To Heaven at Walang Hanggan.

Totoo rin ba na dapat ay kasama si Gretchen Barretto sa Mariposang Dagat?

“Ha? Wala akong alam na may pagsasamahan kaming uli o may ginagawa, hindi ko pa alam,” nagulat na sagot ni Angelica.

“Nabanggit na siya sa akin, yes, pero walang sinabi sa akin na kasama siya.

“Pero if ever na kasama siya, wala namang problema.”

ALTA. Ang proyektong dapat talaga ay pagsasamahan nina Angelica at Gretchen ay ang teleseryeng Alta. Pero hindi natuloy ang proyektong ito na tatampukan din sana ni KC Concepcion.

Aminado si Gretchen na nasaktan siya sa hindi pagkakatuloy ng Alta dahil napaghandaan na raw niya ito.

Sa kaso naman ni Angelica, sinabi niyang hindi sumama ang loob niya, pero nandun ang lungkot at panghihinhayang sa pagkaka-shelve nito.

“Well, hindi naman sama ng loob kasi may mga nangyayari naman talaga na puwedeng matuloy, puwedeng hindi, di ba?

“Pero malungkot lang kasi sobrang tagal namin siyang hinintay.

“Sana nagkaroon kami ng ibang chance na ibang work, pero okay lang naman yun para naman yun sa ikakabuti ng lahat.”

EVERY BREATH YOU TAKE. Sa May 16 naman ay opening na ng pelikula nina Angelica at Piolo Pascual para sa Star Cinema, ang Every Breath You Take.

“Excited, sobra!” sambit ng aktres tungkol sa nasabing proyekto.

“Nakakatuwa naman… masaya siyempre kasi ang tagal naming ginawa yung movie.