"Kung may lagi naman siyang ginagawang desisyon, lagi naman niyang pinaninindigan yun and happy ako for him. Nandito ako para suportahan siya at hindi yun makakaapekto sa relationship namin," says Angelica Panganiban about the transfer of boyfriend Derek Ramsay from ABS-CBN to TV5.

Photo: Noel Orsal

“In a way, nakakalungkot din kasi sobra na kaming bonded lahat ‘tapos parang patapos na.

“Hindi na uli kami magkikita-kita kung gaano kami kadalas magkita-kita.”

Paano niya makukumpara sina Piolo at John Lloyd na pareho niyang katrabaho ngayon?

“Iba… yung difference kasi, siyempre si Piolo kasi ilang beses ko nang nakatrabaho, so medyo kumportable na ako. 

“Si Lloydie, mas ngayon ko siya nakilala kasi nung Maging Sino Ka Man kami, kumbaga, medyo mabigat ang ginagawa namin, so wala kaming time para makapagkuwentuhan.

“At least dito, may kaunting bonding."

Dagdag pa niya, “Okay naman yung movie namin ni Lloydie, heto nga kagagaling lang namin ng Vietnam. 

“Ang ginawa namin is for the 20th anniversary special ng Star Magic.

“Medyo may pagkaganun [romantic-comedy], pero part of story namin, hindi naman comedy.

“Iba si Lloydie! Sabi ko nga, grabe, nakaka-excite siyang katrabaho.

“Nakita ko kung gaano siya ka-professional, sobra! Para siyang hindi napapagod, automatic siya. 

“Grabe yung passion niya sa trabaho niya,” saad ni Angelica.