Veteran broadcaster Mon Tulfo granted a live interview with Boy Abunda on The Buzz to talk about the latest video taken from the NAIA Terminal 3 brawl involving him and couple Raymart Santiago and Claudine Barretto.

Photo: Screen grab from AksyonTV

Muling ipinalabas sa The Buzz kahapon, May 27, ang pinakabagong amateur video na kuha mula sa insidenteng nangyari sa pagitan ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto, at ng broadcaster na si Mon Tulfo, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong May 6.

Sa video na ito, makikita na isang naka-kulay pink na lalaki ang tila unang namisikal at sumampal kay Mon.

Ang lalaking ito ay sinasabing kasamahan nina Raymart at Claudine.

Unang ipinalabas ang video na ito sa Aksyon TV noong May 25, Biyernes.

(CLICK HERE to read related story.)

AFTER THE BRAWL. Sa live interview ni Boy Abunda kay Mon Tulfo, tinanong ng una ang huli kung ano ang halaga ng naturang video para sa kanya.

Sagot ng veteran broadcaster, “Ipinapakita lang na hindi nila ginagalang ang awtoridad.

“Actually, tapos na yung brawl. This is after the brawl.

“’Tapos, after the brawl, yung sinasabi ko na marunong ako ng aikido [Japanese martial art], ang ginagawa ko lang, umiiwas lang ako, itinutulak ko sila.

“Kaya tingnan mo, wala silang mga pasa.”

Ipinakita rin sa video na tumatawa si Mon.

Paliwanag niya rito, “Kaya tumatawa ako riyan, kasi, sabi ko, ‘Hindi alam ng mga batang ito ang kanilang ginagawa.’

“Kaya noong sinampal ako, doon ako nagalit na.

“Sabi ko, ‘Bakit nandito na ang mga guwardiya…’ may mga pulis na diyan, e.”

Noong nagalit siya, ano ang ginawa niya?