New video shows who struck the first blow at NAIA 3 brawl last May 6

The video shown on TV5 supposedly reveals what transpired before the fistfight involving Mon Tulfo, couple Raymart Santiago and Claudine Barretto, plus, the latter’s friend.


Ipinakita ngayong gabi, Mayo 25, sa Aksyon TV ang video na posibleng makapagbibigay-linaw sa kaguluhang naganap sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Mayo 6, 2012.


Sangkot sa gulo ang veteran broadcaster na si Mon Tulfo at ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.


Hindi sinabi ng TV5 ang source ng video na nagpapakita sa isang lalake na nakasuot ng pink T-shirt at white shorts na kasama nina Raymart at Claudine.


Nakatalikod sa video ang babae na kulay pink din ang suot, na hinihinalang si Claudine base sa suot at itsura ng aktres nang maganap ang kaguluhan sa NAIA 3.


Sa naturang video, nakikipag-usap si Tulfo sa grupo nina Claudine nang bigla siyang hampasin sa ulo ng lalake na nakasuot ng pink T-shirt. Nangyari ito sa harap ng isang security guard, ni Claudine at ng isang lalake na natatakpan ng katawan ng aktres.


Ang lalake na humampas sa ulo ni Tulfo ang lalake rin na hindi nagpaawat, sumugod at sumuntok nang sunud-sunod kay Tulfo sa 59-second video na unang lumabas, ilang oras mangyari ang kaguluhan noong May 6.


Hindi nakunan ng mga CCTV camera sa NAIA 3 ang buong pangyayari kaya nanawagan noon sina Raymart at Claudine sa sinumang nakapag-video sa insidente na ilabas ito para malaman ng lahat ang "katotohanan" na si Tulfo diumano ang unang nanakit kaya napilitang lumaban ang aktor.


Sa video na inilabas ng TV5, lumalabas na ang lalaking kasama nina Claudine at Raymart ang unang nanakit kay Tulfo.


Physical injuries, grave coercion, at grave oral defamation ang mga kaso na isinampa ni Tulfo laban sa Santiago couple. Kabilang sa mga sinampahan ng kaso si Eduardo "Doby " Atilano, ang kaibigan ng mag-asawa na nakasuot ng pink T-shirt.

Kinukuhaan na ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ng pahayag ang mag-asawa tungkol sa paglabas ng pangalawang video.

Mananatiling bukas ang website na ito para sa opisyal na pahayag na manggagaling mula sa mga partidong sangkot sa usaping ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN