Gwen Zamora on her performance in The Witness: "I could have done better, and if I’m happy with what I did, then I might expect an award. May konting adjustment pa.”

Photo: Melo Balingit

Marami ang natawa at nagulat sa binitawang pick-up line ni Gwen Zamora tungkol sa chicharon sa press conference ng Boy Pick-up The Movie noong May 27, Linggo, sa Imperial Palace Suites.

Sa pelikula, si Gwen ang gumaganap na mataray, may pagka-fierce na kalaban ni Boy Pick-up na ginagampanan ng bidang si Ogie Alcasid.

         

Dahil sa kanyang pick-up line tungkol sa chicharon, naitanong kay Gwen kung naia-apply ba niya ang pick-up lines sa buhay niya.

Sabi ng Kapuso actress, “Kapag minsan. Kapag gusto kong patawanin ang mga kaibigan ko. 

“Kasi minsan, sila, nagtse-check din ng pick-up lines.”

         

Natawa naman siya nang maalala ang sinabi niyang pick-up line na: "Chicharon ka ba? Dahil ang ingay mong kainin."

         

Sabi ni Gwen, “Hindi ko alam kung saan ko narinig yun. I think, sinabi lang ng mga friends ko.”

         

NATURAL COMEDIENNE. Hindi naman bago kay Gwen ang pagpapatawa, hindi lang dahil sa gag show ng GMA-7 na Bubble Gang kundi dahil sa comedy raw siya talaga nagsimula.

         

“I started with comedy talaga, clowning talaga ang start ko. Pero hindi siya yung clowning na may red nose. 

“Sa Singapore yun, so comedy talaga ang simula ko," pagsisiwalat niya.

         

Pero ayon kay Gwen, gusto niyang magawa ang lahat.

         

“I’d like to be challenged. Gusto ko Johnny Depp style.

“Actually, gusto ko yung mala-G.I. Jane role. Gusto kong maging kalbo. 

“Wala lang. Siguro, para may excuse akong magpa-kalbo,” natatawang sabi niya tungkol sa ginawa ng Hollywood actress na si Demi Moore para sa G.I. Jane.

         

Dagdag ni Gwen, “The more challenged I am with the character I am playing, the more happy I am. 

“Kapag the more kong pinag-iisipan yung role ko, parang mas nai-immerse ako sa role ko.

"Mas gusto ko yun imbes na wala lang.”

         

SURPRISE MOVE. May gagawin ba siyang pelikula pagkatapos ng international film na The Witness na puwede siyang mapansin muli?

“Actually, I really want to tell the world now, pero hindi ko pa puwedeng i-share.

         

“So, abangan. Masu-surprise talaga kayo sa next move ko," pagbabalita niya.

         

So, kakaibang Gwen pa ang makikita ng mga manonood?

         

“Makikita? Hindi ko alam kung makikita, pero makikita ang vision ko.”

         

Kailan sisimulan ang sinasabi niya?

“Nasa processing na. I can tell you all in about one month.”

         

Kung naging maganda ang reviews ng pelikula niyang The Witness sa Pilipinas, naging topgrosser naman ito sa Indonesia noong ipalabas ang pelikula doon.

Magkakaroon din daw ng screenings ang The Witness sa iba pang Asian countries.

         

“Ang next showing is Singapore. I think, first week of June, Singapore na yata ang The Witness

“After that, Malaysia, Brunei, and Hong Kong. So, iikot talaga siya sa Southeast Asia.”

         

Kumusta naman ang naging reception sa kanya ng mga Indonesian?

         

“It was really good. Nag-trending ako.

"I was trending in Indonesia kasi ang daming promo guesting. 

“And it so happened that in one day, on the three channels—one live show and two taped.